Chapter 10- Edited

3.6K 109 2
                                    

Reese

Sampong araw na kaming hindi nagkakasama. Malapit na siyang umuwi at hindi ko maitago ang kagalakan sa puso ko. Magkakasama na kaming muli.

Araw araw siyang tumatawag, video call, text at walang katapusang paalala sa mga dapat at hindi ko dapat gawin.

Katulad na lang ngayon, kahit nandito sina Vhien at Cindy Love ay tinatadtad niya pa din ako ng chain messages. Binilinan niya ang dalawa na samahan ako dito sa bahay dahil baka daw may pumunta dito bigla at kunin ako. Praning na din siya. Pero napapangiti ako dahil sa ginagawa niya.

"You know what, sis. Kuya is so over reacting." Cindy

"Ate, may stock pa ba dito ng gulay?" Vhien

"Ganun lang talaga siya, kayo ba ni Joseo? Hindi ba siya ganito sa 'yo? Wala na, Vhien. Magpabili ka na lang."

-Hey! Don't eat late, okay? I miss you so much, wife :(
From: asawa ko

-ako din, Ashton :) ingat ka. Nandito lang naman ako sa bahay.
Sent to: asawa ko

Magkatext kami kahit mahal ang charge dahil nasa labas siya ng bansa. Sabi ko pa nga na sana ay sa Facebook messenger na lang kami mag-chat pero ayaw niya dahil wala siyang tiwala sa mga ganung sites. Though, pareho naman kaming wala pang account dun. Gagawa lang kami ng fake account at i-deactivate lang kaagad kapag nakauwi na siya ngunit tumanggi pa din siya.

"Ako na lang ang bibili. Cindy, may ipapabili ka ba?" Vhien

"None. Just don't forget to remind me to stab your head if you don't repay me when you get back! Kapal mo ha, isusumbong kita kay Mommy." Napakamot ng ulo si Vhien at napilitang um-oo sa sinabi ng bunso nila.

Cindy is such a very beautiful kid, she's fifteen now. While Vhein is twenty-two.

Kung titignan sa umpisa ay mukha na siyang ganap na dalaga dahil sa kanyang tindig, may hubog na din ang katawan niya at mas mature nang mag-isip at magsalita. Ang kapatid ko namang si Joseo ay labinwalong taong gulang na at nag-aaral bilang first year college sa isang kolehiyo.

Wala silang relasyon dahil pinagbawalan namin sila pareho, masyado pang bata si Cindy at kaya naman siyang hintayin ni Joseo.

"Sis, do you think your baby bro can wait for me 'til I graduated in Black Academy? Alam mo kasi, mas matanda siya sa akin at maraming magaganda sa college. Geez." Biglang tanong niya ng makaalis na si Vhien.

"Oo naman, nagdududa ka ba sa kanya?"

Sumandig siya sa couch at napatingin sa kisame, "Nope. I just don't feel confident enough kasi we don't have a status. That official status."

"Huwag kayong magmadali."

"Tsk. Kung bakit ba kasi ang gwapo nung kapatid mo. Nga pala, si kuya Reed? Bakit hindi pa siya binabalik dito ni Anne?"

"Nasa probinsya sila."

"Sarap sabunutan nung si Anne ha, sobra pa kay kuya kung maging territorial. Pity, kuya Reed." Umiling pa siya, "Are you pregnant?"

"Hindi."

"Eh? You're all set, hindi ba magaling si kuya?" Umayos siya ng upo at napaisip bigla, "Wala namang baog sa lahi namin. Pangit ba performance niya?" Napaiwas ako ng tingin sa klase ng tanong niya sa akin. Masyado pa siyang bata para sa mga ganitong usapin.

At walang deperensya ang asawa ko kundi sa akin mismo, ako ang may problema sa aming dalawa.

"Haha! Masyado kang mahiyain, sister-in-law. Anyway, can we go out tonight? Alam mo yun, girls night out!" Masiglang yaya niya.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now