Chapter 49- Edited

2.5K 66 2
                                    

Vhon

"Masyadong pagod ang utak at katawan ng kumpare natin-- walanghiya ka! Baka gusto mong isumbong kita kay Terry, Asstiel?!" Tunog sirena ng firetruck na sigaw ni Edu.

Damn. Gustong-gusto ko na ang bumangon pero nagpipigil ako! Umiinit ang ulo ko sa ingay ng mga bunganga nila! Daig pa nila si Mama kung makasermon sa akin!

"Ano na naman?! Bakit ba ang damot mo ha?! Para sa isang stick ng lollipop isusumbong mo ako?! Magkano ba ito ha?!" Dahil lang sa lintik na lollipop na 'yan! Kung makasigaw sila ay parang wala lang sa kanila ang sitwasyon ko! Partida nasa gilid ko lang silang dalawa!

"Suntukan na lang, ano?! Kung ipinagmamayabang mo na mayaman ka eh bakit nangungupit ka pa ng lollipop ko?!" Utang na loob! Kelan ba sila magbabago?!

"Awat na, boys. Basag na ang eardrums ng kaibigan natin. Ang galing niyong manggising." Napahinga ako ng malalim sa sinabi ni Mario bago nagmulat ng mata.

"I'll call the doctor-" Sinenyasan ko si Ford na hindi na kailangan.

"No need, I'm fine." Inalalayan akong bumangon ng dalawang unggoy na nag-aaway kanina lang dahil sa lollipop.

Inaninag ko ang mga mukha nila. Pumikit ako ng ilang segundo para pakiramdaman ang sarili ko.

"May problema ba? May masakit ba sa katawan mo?" Lapit ni Mario sa akin at sinipat ang aking mga mata.

"I'm fine. How long did I sleep? And what about my family? Si Reese at ang anak namin? Are they here? Is the baby awake?" Pinaulanan ko silang lahat ng mga tanong.

"Ah kasi-"

Inagaw ni Castiel ang sasabihin ni Edu, "Isang linggo ka lang na natulog. Okay na si baby, inobserbahan siya ng ilang araw bago naiuwi sa bahay niyo. Sina Tita Beth ang nag-aalaga sa kanya. Nagising siya nung nakaramdam siya ng gutom kaya kay Pierre muna siya pina-breastfeed. Alam mo pare ang cute niya. Yung mata niya ang pinakamagandang orbs na nakita-"

"Ang asawa ko?" Napaiwas ng tingin ang ilan sa kanila.

"Natutulog pa siya. Kompara kasi sa nangyari sa iyo ay siya ang napuruhan ng radiation. Maayos naman ang lagay niya. Sina Vhien at ang pamilya ng asawa mo ang salitan sa pagbabantay sa kanya araw-araw." Sagot sa akin ni Alejandro.

"I want to see her." I don't like their gestures. Alam ko na may mali sa sinasabi nila kaya kailangan kong makita ang asawa ko. I want to assure myself that she's in a good condition.

Napahawak sa kanyang batok si Ford, "You still need rest. Believe us, Reese is in a good state. She's a brave woman."

"Papunta na din sina Tita Glorietta. Tiyak na matutuwa silang makita na gising ka na. Isang linggo ka din na natulog pare, bumawi ka muna ng lakas." Sulsol ni Mario.

Kumapit ako sa stand ng nakakabit sa akin na dextrose at sinikap na tumayo. Nilisikan ko sila ng mata nang sinubukan nila akong tulungan, "I don't understand why you're lying to me. Malalaman ko din naman ang katotohanan."

Nakaramdam ako ng pagkahilo sa unang hakbang ko pa lang. Nanginginig ang mga tuhod ko nang ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

Damn. Daig ko pa ang nabalian ng buto nito!

Nagbukas ang pinto at pumasok si Allen, "Tulungan na kita, Boss."

"No need, just tell me where is my wife's room. I want to see her." Yumuko siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Ihahatid ko na po kayo sa ICU, Boss. We're all glad you're finally awake." Sa sinagot ni Allen sa akin ay nilingon ko silang apat na nanlilisik ang mga mata, "Would you like to take a wheelchair, Boss?"

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now