Chapter 44- Edited

2K 55 9
                                    

*******

"Argh." Ungol ni Vhon ng magising sa kanyang pagkakahimbing. Nandidilim ang kanyang paningin ng magmulat siya ng kanyang mga mata. Pilit niyang inaaninag ang kanyang paligid ng maramdamang wala siya sa kotse o sa kama. Para siyang lumulutang.

Inilibot niya ang kanyang paningin at nakita si Aiko na nakaupo sa gilid. Nakatali ang mga kamay at paa nito, walang malay. Maging siya ay mahigpit din na nakagapos, may busal din ng panyo ang kanyang bibig.

Ang huling naaalala niya ay kaharap pa niya ang kanyang asawa. Sunod ay nang isinakay siya sa kotse at nakatulog ulit. Sobrang tuyo na ang kanyang lalamunan at pagod na pagod ang kanyang katawan. Namumutla na ng sobra ang kanyang mukha at ang kanyang mga sugat ay lumalala na din ang kulay.

"Arggghhh." Nanghihinang gumapang siya papalapit kay Aiko nang may sumipa sa gilid ng kanyang tiyan at inapakan nito ang kanyang dibdib.

"F-fuck you." Pilit niyang mura ng tanggalin nito ang panyo sa kanyang bibig.

I can't die like this. Not in here.

"You'll fuck me? Aww. That would be awesome if only you're not an enemy." Yumuko ito at muling magsasalita ng duraan niya ito sa mukha, "Ikaw-!"

"Ayen, tumigil ka!" Suway dito ng babaeng may hawak na patalim sa tabi ni Aiko, "Baka hindi na 'yan umabot ng humihinga kay leader, ikaw pa ang managot."

"Puta. Dinuraan niya ang mukha ko!" Pagalit na angal nito.

"Kasalanan mo naman. Magtino ka nga." Balik nito.

Tinampal ng babaeng tinawag na Ayen ang kanyang mukha bago ito tumayo.

"Matagal pa ba tayo? Kating-kati na ako na pumatay ng kalaban."

"We're almost there, sweetie."

*******

Lahat ay may kanya-kanyang hinaharap na kalaban. Lahat ay nakikipaglaban upang mabuhay. Lahat ay nakikidigma para sa tagumpay ng pinapanigang Mafia.

Napapikit siya ng mariin at mahigpit ang pagkakahawak niya sa dibdib na tinamaan. Sa muli niyang pagmulat ay nakita niya ang kakambal na nakaluhod sa tabi ni Aisha.

Sunod na dumating ang dalawang babae na hawak sa magkabilang braso si Scarlet. Nanghihingi ng patawad ang mukha nito na nakaharap sa kanya.

Ang walang buhay na sanggol ay inabot kay Aisha na nagkunwaring nagagalak, "What a lovely creature. I admit, your child will exactly look like you when she grows up but I think, she will inherit Vhon's attitude. Malas."

"Ahhhhh." Ramdam niya pa ang lalong pagsikip ng dibdib. Nang may apat na katana ang nakadikit sa kanyang leeg ay halos bumagsak siya sa buhanginan nang matapos siyang kuryentehin.

"Where's Vhon? We're almost complete here. Papatagalin pa ba natin ang second reunion ng pamilya nila?" Matapos sabihin iyon ni Aisha ay siyang patapon na pagbagsak ni Vhon sa buhanginan malapit sa gawing kanan ni Reed.

"Ashton..." Mahinang usal niya.

"Tumigil kayong lahat!" Malakas na sigaw ni Aisha.

Ilang segundo ang nagdaan bago unti-unting natigil ang kalampagan ng mga armas. Nang pakikipambuno.

Sa wakas ay tumigil na ang lahat at natuon sa kanilang pamilya ang pansin ng mga ito.

"Sa gabing ito ay aking tatapusin ang walang kwentang buhay ni Vhon Ashton Black, kasama ng kanyang hampaslupang asawa! But of course, uunahin ko ang kanyang kakambal at ang mga depektibo niyang clones!" Malakas na sigaw nito.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now