Chapter 28- Edited

2.8K 91 8
                                    

Reese

"Magandang umaga, Aidan." Bungad ko sa kanya.

Kakagising ko lang at siya kaagad ang nakita ko na nakatayo sa gilid ng pinto. Ngumiti siya ng tipid at sumenyas na aalis na siya.

Ilang segundo akong nakahiga, pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Himas himas ang tiyan na dahan dahan akong umupo sa gilid ng kama.

His suffering will start when my parents arrives here. Hindi ako makokonsensya pero malulungkot ako para sa kanya. He deserve someone who can love him back, someone better.

"Gising ka na pala." Napalingon ako kay Reed na naglalakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at kaagad ko siyang niyakap, "We can never feel guilt but we can sympathize in their sorrow and pain."

Nag-usap kami kagabi at bago dumating sina Papa ay kailangan niya na akong iwasan. Si Reed mismo ang nagbukas ng usapan tungkol doon at hindi na ako kumontra pa. Nakita ko kung paano biglang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Aidan, kung gaano kasakit sa parte niya ang desisyong iyon.

Nasa sala kami at nag-uusap ni Aidan ng lumapit si Reed. Bukas ng gabi ang dating nina Mama. Naatras ng dalawang araw ang uwi nila dahil magdadala sila ng mga gamit para sa ultrasound at mga gamot na kakailanganin namin ng anak ko.

"This needs to stop, huwag ka nang masyadong makipag-usap sa kapatid ko. Strikto sa pampamilyang paniniwala ang mga magulang namin at ayaw ko na mapagalitan si Reese."

Yet, he chose to stay. Aalis daw siya kapag nagkasama na ulit kami ni Ashton.

"I will stay as long as Vhon's not here, Reed. I'm keeping my words, trust me." Hinawakan ko siya sa balikat ngunit napangisi na lang siya pabalik.

"Ako ang may kasalanan, Reed."

"Wala kang kasalanan, kung hindi niya ipinagpalitan ang sarili niya sa iyo ay baka wala siya dito ngayon."

"Kapag nalaman ito ni Ashton, baka kung ano ang gawin niya sa aming dalawa."

"Hindi ka niya sasaktan, hindi niya iyon magagawa sa iyo."

"Labis ang pagseselos niya kay Aidan at siya pa ang pinaglihian ko. Kasama ko siya dito mahigit anim na buwan, Reed." Matatanggap niya pa kaya ako?

"Isipin mo na lang ang bata, siya ang magpapalambot sa kanya."

Hindi ako sigurado kung mapapalagpas niya ang ginawa ko. Sa halos anim na buwan ay magkasama kami ni Aidan dito.

"Ikaw ba Reed, hindi ka ba galit sa akin?"

"Bakit naman? Wala akong rason para magalit sa iyo."

"Maraming salamat."

"Walang anuman. Nagugutom ka na ba? Bumaba na tayo at ipinaghanda kita ng paborito mong gulay."

Ampalaya? Halos araw araw iyon ang ulam namin pero wala akong kasawa sawa sa gulay na iyon.

Bago kami bumaba ay inayos ko muna ang aking sarili.

"Tatay Tomas, magandang umaga. Mabuti po at makakasabay kayo ngayon sa amin."

"Magandang umaga din hija, oo at baka ito na ang huling almusal na magkakasama tayo." Nakangiti niyang sagot.

Napasulyap ako kay Aidan sa tabi niya na tahimik na nakaupo. Nakayuko lang siya at hindi man lang inabalang mag-angat ng tingin.

"Kumain na tayo at baka lumamig na ang pagkain. Anita, tabi kayo ni Reese." Tatay Tomas

Magkaharap kami sa mesa. Nakakapanibago, hindi na siya nagsasalita o nagkukwento. Walang madaldal na Aidan.

"Am I late?" Anne

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon