Chapter 34- Edited

2.3K 93 4
                                    

Reese

"I don't think it will work, Reese." Sinulyapan ko lang siya at hiniram kay Edu ang kanyang hunting knife. Tinipon ko ang aking buhok sa batok at walang pasabing pinutol ko ito kung saang banda ang haba ng buhok ni Pierre.

Si Jomarie ay sinisikap na sumagap ng signal sa kung saang banda para lang makatawag sa fiance niya. Magaling siya sa hacking pero mahihirapan siyang tumawag dahil sadyang walang signal dito.

"Magagalit sa 'yo si Vhon niyan." Puna ni Edu sa buhok ko.

"Magsalita ka naman kesa patayin mo kami sa pagiging tahimik mo, Reese." Saad ni Castiel.

"Ano ba ang gusto niyong sabihin ko?" Tinago ko ang buhok ko sa ilalim ng mga tuyong dahon at huminga ng malalim.

"Itapon mo na lang 'yang cellphone mo Jom, tutal naman ay wala naman 'yang pakinabang." Asar na anas ni Edu.

"Itutuloy na ang plano. Wala nang atrasan. Kikilos tayo kapag kumagat na ang dilim." Pasalampak na naupo silang tatlo at sumandig sa isa't isa.

Nakatayo lang ako at nagmamasid sa paligid. Ngumiti ako ng tipid, ngumiti din na labas ang ngipin at nagtalon talon.

Naguguluhan naman nila akong pinagmamasdan.

"Nagpraktis na kami ni Anita kung paano tumawa." Mahina kong kausap sa aking sarili. "Ha-ha."

Ginaya ko kung paano maglakad si Pierre. Kung paano niya iwagayway ang kanyang mga kamay kapag nakikipagkumusta. Ang pagtaas niya ng boses at kung ano'ng sigla ang meron sa kanyang kilos at pananalita.

Hinarap ko ang tatlong kaibigan namin at ngumiti ng sobrang lapad. Itinaas baba ko din ang aking mga kilay. Tumalikod ako sa kanila at muling naglakad. Kumembot ako ng tatlo hanggang limang beses hanggang sa makuha ko na ng tuluyan ang istilo ni Pierre sa paglalakad.

Nagpapadyak ako ng mga paa at tumalon talon ng ilang beses.

"Tangina. Ano'ng nangyayari sa 'yo?" Bulalas ni Castiel.

Binatukan siya ni Edu, "Minumura mo ba siya?"

"Hindi noh! Sa nabibigla ako! Ano ba ang ginagawa mo, Reese? May plano ka bang gayahin si Pierre?" Angal naman niya.

"Magiging siya ako." Huminga ko ng malalim at saka nag-stretching, "Malapit na ba ako?"

"Kailangan mo na lang ngumiti at tumawa na parang baliw." Sagot ni Jomarie.

Naitirik naman ni Edu ang mga mata niya. Hindi naman baliw si Pierre. Sadyang madaldal lang siya at puno ng buhay.

"Paano kapag sinugatan ka niya para alamin kung ikaw talaga si Reese?" Tanong ni Castiel.

"Pareho lang naman kami. Kapag nasugatan ay kaagad na gumagaling. Pagalingan lang sa pag-arte."

"How about your facial expressions?" Tanong naman ni Jomarie.

"That's why I am here with you. Magsalita kayo at kausapin niyo ako na parang ako si Pierre."

Sinimulan nga nila akong kausapin na parang ako si Pierre. Kapag namali ako ng sagot o tono ay pinapaulit nila ako sa pagsasalita. Ang pagtawa na lang ang hindi ko pa nakukuha.

*******

Sinenyasan ko sila na huwag gagawa ng kahit anong ingay habang papalapit kami ng papalapit sa kinaroroonan ng kalaban.

Ilang beses na kaming nagkapalitan ng diskusyon at minabuting maghiwalay kami ng tig limang dipa sa isa't isa. Hindi ko matanaw ang asawa ko ngunit nakita ko sina Aidan, Alejandro at Ford na nakakulong. Para silang mga hayop na nasa kulungan.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon