Chapter 47- No Proofread

1.9K 63 0
                                    

*******


Sinubukang salagin ng dalaga ang tumatama sa kanyang laser gamit ang dalawang braso na naka-krus sa kanyang harapan ngunit para siyang napapaso sa dumadaiti sa kanyang palad.

Wala siyang imik ngunit bakas sa kanyang mukha ang hapdi at sakit na nararamdaman.

"Papa, tama na!" Akma niyang aagawin sa ama ang baril ngunit maagap siyang napigilan ng kanyang mga kaibigan, "Nasubukan niyo na ba 'yan?! Paano kayo nakatitiyak na magagawa niyan ang dapat na mangyari?! Paano kung pumalpak?! O masira ng hindi inaasahan?!" Tinadtad niya ito ng mga tanong.

"Vhon, isusugal ko ang lahat ng natitira sa akin mabuhay at maibalik lang ang anak ko." Sagot sa kanya ni Beth, "The laser will attract the toxic blood itself so rest assured na may matitira pang dugo kay Reese. Besides, parang magnet na siyang didikit dito. Hihigupin ng laser ang lahat ng lason sa kanya at kung hindi man ay sapat na ang makukuha sa kanya upang mabalik siya sa normal."

Lumapit sa kanila si Zander at Aiko. Kalmado na ang kanyang ama. Halatang kampante ito na magiging maganda ang resulta.

Tahimik siyang nanalangin na sana nga ay gumana ang plano upang bumalik na sa normal ang kanyang asawa. Dahil kapag pumalya pa sila ay wala na siyang magagawa kapag ipag-utos ng kanyang ama na patumbahin si Reese. That's the last resort that he knows, even if he will try to stop him, hindi niya pa din ito mapipigilan.

Napaluhod ang dalaga sa buhangin na mukhang nanghihina na, "Aaaahhhhhhh!" Ibang tono ang lumabas sa kanyang bibig. Hiyaw ng nasasaktan ngunit lumalaban.

"Papa, pinapatay niyo siya!" Sinubukan niyang kumawala sa mga kaibigan ngunit masyado silang marami.

"Ipagpatuloy niyo! Gumagana!" Sigaw ni Beth na nagpalakas ng kanilang mga loob, "Makakaya ng anak ko!"

"Ma, tama na!" Muling pakiusap ni Vhon ngunit naging matigas ang lahat.

"Pare, awat na!" Pigil sa kanya ni Edu.

"Tangna nito! Gusto mo ba siyang maligtas o ano?!" Bulyaw ni Castiel na nakahawak sa kanan niyang braso.

"Mga hayop kayo! Bitawan niyo ako!"

Lumapit sa kanila si Zander at tumayo ito sa kanilang harapan.

"You shut the fuck up!" Bulyaw nito sa kanya.

"Dad... You're killing her." Nanghihinang sagot niya dito.

Nilingon niya ang asawa na nahihirapang salagin ang tumatama dito. Kitang-kita ang pinagdadaanan nitong sakit na mababakas na sa mukha. Mukha itong napapaso at hapding hapdi sa nangyayari dito.

Hinihigop ng laser ang sinasabing toxic blood mula sa katawan ni Reese. Kung titignan ay mukha itong nasa pelikula, naglalabasan ang mga kemikal sa kanyang katawan dahil sa radiation na hinihigop papunta sa crystal-like capsule na magazine ng malaking armas.

Hinawakan siya nito sa balikat, "You suffer now or we lose her. After all, we didn't want this to happen. She have to win this battle for all of us so stay still and don't lose faith. She will get through this."

"You will never understand me! Hindi naman kasi si Mom ang nandiyan at pinapahirapan!" Balik niya dito na nagpainit sa ulo ng kanyang ama.

Tumalikod ito sa kanya at bigla siyang binalikan na may kasamang sapak.

"You asshole!" Sinuntok siya nito sa kanang panga. Halos matumba siya sa pwersa ng tumama sa kanya.

"I know I'm an asshole!"

Sa pagkagulat ay hindi nakabawi ang kanyang mga kaibigan at lumuwag ang pagkakahawak ng mga ito sa kanya.

"Dagdagan mo ang volume ng radiation, mahal!" Sigaw ni Hideo sa asawa. Sa bigat ng timbang ng armas ay nangangawit na ito at nahihirapang ipanatili ang posisyon. Inalalayan na sila ni Allen.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now