Chapter 50- End

3.8K 114 22
                                    

Vhon

"She's not dead! Mga putangina kayo! Layuan mo ang asawa ko!" Bulyaw ko sa dalawang nurse at sa doktor na nagdeklara ng oras ng pagkamatay ni Reese.

Buhat-buhat ko pa rin si Reon sa kaliwang braso habang ang kanang kamay ay iwinawasiwas upang lumayo silang tatlo sa amin.

"Uwaah! Uwaah!" Umiiyak na rin si Reon. Hindi ko alam kung dahil ba sa nagwawala ako o dahil naiintindihan niya ang sinisigaw ko, "Don't get near my wife! I'll make sure that you'll regret it! Magsilayas kayo dito!"

"Kumalma po kayo, Sir-"

"Allen! Isan! Palayasin niyo ang mga hayop na ito!" Pumasok naman sila kaagad at pinagtulungang hatakin ang mga pinapaalis ko.

"Uwaah! Uwaah!"

"Hush now, Reon. Shh." Niyugyog ko ang anak namin hanggang sa mapatahan ko na siya. Mangiyak-ngiyak ako na hinawakan ang kanang palad ni Reese, "Reese gumising ka. Damn it! Magwawala ako dito kapag hindi ka pa bumangon diyan."

Napalunok ako ng isang beses. Bakit malamig na siya? Bakit ganito?

"Reese, sweetheart, naman oh!"

"Vhon-" Sinigawan ko si Al na akmang lalapit sa amin.

"Lumabas kayo! Walang papasok hangga't hindi ko sinasabi! Allen! Wala kayong papapasukin dito!" Kaagad niya naman akong tinalima at lumabas sila ni Al.

"Baah!" Ibinaba ko si Reon sa gilid ng asawa ko.

"Si Mommy 'yan, Reon." Ang sakit ng lalamunan ko, ayokong maiyak ng tuluyan sa harapan ng anak namin.

"Maah! Baah! Booh!" Inabot niya ang mukha ni Reese. Hinimas himas niya iyon.

"Sige lang anak, mag-ingay ka nang magising ang Mommy mo." Niyakap ko ang aking mag-ina, "Lintik naman Reese, walang ganyanan. Gumising ka na. Tignan mo, kasama ko pa si Reon. Nandito kami ng anak mo."

Nakiayon din ang anak namin at sinikap niya na mayakap kaming dalawa ng Mommy niya.

"Reese, wife, wake up. I'm begging you."

Sana nananaginip lang ako! Hindi ito totoo! Buhay ang asawa ko!

"Mam mam mam."

"It's Mommy Reese... anak." Pumiyok ako ng hinalikan ko siya sa labi, mas malamig iyon at naninigas.

"Baah! Booh!"

Ang sakit ng dibdib ko. Parang magugunaw na ang mundo ko. Hindi ko ito matatanggap. Hindi ko makakaya.

Nanghihinang napaupo ako. Daig ko pa ang natulos na kandila. Napahawak ako sa aking mukha. Tuluyan na akong naiyak.

"Reese! Bumangon ka na diyan, uuwi na tayo!" Naiinis kong sigaw sa kanya. Binuhat ko si Reon at pinilit na buhatin din siya mula sa likod, "Reese tignan mo ako, nandito kami ni Reon."

Still, she's not responding. Walang boses na namutawi sa nangingitim niyang labi. Hindi bumubukas ang kanyang mga mata. Hindi rin nagalaw kahit anong parte ng kanyang katawan. Ni hindi siya humihinga!

Pakiramdam ko ay parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Ni hindi ko magawang huminga ng maayos. Patuloy sa pag-agos ang mga luha ko mula sa magkabilang mata.

"Look at Mommy, diba ang ganda niya?" Kausap ko kay Reon, "Your lips and eyes, mana sa kanya. Of course sa ugali ay hati kami ng Mo-mommy mo." Pumiyok na naman ako, "You have mommy's pale skin also."

"Baah." Nakangusong sagot sa akin ni Reon.

"Si Mommy mo kasi... Damn... Reese, look at Reon. Gusto ka na niyang makausap." Sinikap ko na umawat sa pag-iyak pero hindi ko mapigilan.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon