Chapter 48- No Proofread

2.1K 65 1
                                    

*******

Sumikat ang araw kasabay ng pagsibol ng panibagong pag-asa sa puso ng bawat isa.

Umuusok pa ang kanyang likod nang tuluyan silang malapitan ng kanilang mga magulang. Lugmok ang mag-asawa sa buhangin at parehong walang malay.

"Prepare the chopper! Call the hospital! This is code red!" Sigaw ni Zander na nagpakilos sa lahat.

"Reese, anak?!" Nagkukumahog ang mag-asawa na mahawakan ang anak. Niyugyog siya ni Beth ngunit nanatili siyang walang malay.

Hinawakan siya sa leeg ni Hideo upang mapakinggan ang pulso, "Pahina ng pahina ang pulso niya, kailangan natin siyang madala sa ospital!" Hinawakan niya si Zander sa balikat, "Pakiusap, gusto naming maisama si Reed sa chopper."

Binuhat niya ang anak at si Vhon naman ay pinagtulungan ng mga elite na maisakay sa chopper.

Bago tuluyang makasakay si Zander ay hinarap niya si Aiko. Sa ingay ng chopper ay lumapit siya sa taenga nito, "I only have one last order for you, Aiko. I want you to give this order to all our men."

"Ano yun, Big Boss?" Magalang na tanong nito sa kanya.

"Burn the bodies. Cut their heads off. I don't care what method you'll do as long as there's no survivor left. Ayokong malaman-laman na may namatay dito at nabuhay na naman. Nakakasawa na ang paulit-ulit na cycle ng paghihiganti sa pamilya ko."

Tumango ito, "Masusunod, Big Boss."

"Isakay niyo na rin ang bangkay ni Reed sa chopper nina Hideo."

Sumakay si Zander sa chopper kasama ang anak habang ang pamilya nina Hideo ay nasa isa pang sasakyan. Kagaya ng kanyang utos ay naisakay si Reed na isinilid sa itim na bag.

Nang umangat ang chopper ay nakahinga siya ng maluwag. Sinipat niya ang pulso ni Vhon at napanatag na ligtas ang kanyang anak. Stable ang heartbeat nito at banayad ang paghinga.

Si Reese naman ay tuluyan nang bumalik sa normal ang mukha at balat. Kinumutan siya ni Hideo gamit ang isang tuwalya habang kandong ni Beth sa kanyang mga binti. Mangiyak-ngiyak ang kanyang ina dahil sa sinapit ng kaisa-isa nitong anak na babae.

"Hindi ko alam kung makakaabot pa siya-" Kausap ni Beth sa asawa na bakas din sa mukha ang pag-aalala.

Napailing ito, "Kaya niya. Malakas ang anak natin, makakaligtas siya." Hindi alam ni Hideo kung sino ang kinukumbinsi, ang kanyang asawa ba o ang sarili.

Nawalan na sila ng isang anak at hindi niya alam kung makakaya pa ba ng kanyang asawa na pati si Reese ay mawala. Ang kanilang bunso na si Joseo ay walang kamuwang-muwang sa sinapit ng mga kapatid nito. Tiyak na hindi niyo matatanggap ang balitang dala nila.

"Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na naging human test subject ang anak natin o magagalit uli kay Dimitrios. Sobra na ang pinagdaanan ng mga anak natin." Nilingon ni Beth ang itim na bag, "Si Reed, kahit hanggang ngayon ay hindi pa din matanggap ng utak at puso ko na patay na siya." Tuluyan na itong humagulgol na niyakap na rin ni Hideo upang bigyan siya nito ng lakas ng loob.

"May dahilan ang lahat ng bagay. Ang tanging magagawa na lang natin ay magdasal at magtiwala na mabubuhay si Reese." Pampalubag loob niya sa asawa, "Maybe it's best if we will keep the laser radiation gun for a while, it may get handy in the future." Nasabi niya.

Masyadong advance ang pag-iisip ni Hideo na nakikinitang baka magamit nilang muli ang baril sa oras ng pangangailangan. May iba pang kayang gawin ang baril na hindi pa nila sinusubukan.

"Kung pwede lang sanang mamatay si Reese at si Reed ang mabuhay." Pagitna ni Anne sa usapan na hindi binibitawan ang sanggol.

"Nangyari na ang nangyari, Anne. Masakit man ito para sa atin ngunit kailangan nating tanggapin ang naging kapalaran ni Reed." Nanlulumong sagot sa kanya ni Hideo, "Pwede ko bang mabuhat ang apo ko?"

The Perfect Wife [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang