Chapter 5- Edited

4.3K 128 26
                                    

Reese

"Wala akong problema sa 'yo, okay? I'm even bothered why you're acting weird since yesterday."

"Wala? Ano ba ako sa 'yo, Ashton? Asawa mo ba talaga ako?" Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi siya makapaniwala sa tinanong ko.

"Seriously? Are you out of your mind? Just get straight to the point, wife." He let out a heavy sigh, "Sweetheart, you're making things hard for me."

"Naiinis ako, parang gustong kumawala ang galit sa loob ko, umiinit ang ulo ko. Parang gusto kong sumigaw na hindi ko alam. Bakit? Kasi ayaw kong isipin na nagsasasawa ka na sa akin kasi hindi kita mabigyan ng anak. Ayaw ko sa ideyang napapatawa ka ni Aphrodite. Masama ang loob ko dahil hindi mo ako kayang kausapin ng hindi mo iniiwas ang topic o umaalis bigla. Kagabi, umalis ka ng hindi nag-insist na ayusin ang maliit na problema natin tungkol kay Aidan at sa Aisha na 'yan. Ni hindi mo nga ako pinilit na kumain ng hapunan. Umiyak ako kagabi, pero alam mo ba?"

"I.. I'm sorry." Pinigilan ko siya at ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"Kinausap mo ba ako kaninang umaga bago ka umalis? Hindi, diba? At kaninang buong araw, magkasama kayo ni Aphrodite at ako naman ay halos libutin na ang buong lugar ng Miranda para lang mahanap kita. Ilang beses kitang tinawagan pero dahil sobrang busy ka, nakapatay ang cellphone mo. Tapos ano? Palakad lakad lang ako sa daan, sinalubong ako ni Aphrodite at pinainit niya lalo ang ulo ko. Pag-uwi ko, may mga pasa na ang lahat ng bantay dito at sira na ang mga gamit sa baba. Ang tanong ko, asawa pa ba ang tingin mo sa akin? Oh tau-tauhan na lang? Madali naman akong kausap, Ashton." Nakahinga na ako ng maluwag at nakaramdam ng ginhawa dahil nailabas ko na ang lahat ng saloobin ko sa kanya.

Niyakap niya uli ako at hinagod ang aking buhok.

"I don't know where to start, wife. I'm really sorry if I made you feel like I'm taking distance from you. I'm so sorry, kung umiyak ka at hindi man lang kita hinabol. Kung hindi kita kinausap o pinilit na kumain. Sorry, kung naka-off ang cellphone ko kanina. Naubos kasi ang battery ko at wala akong dalang power bank o charger. I'm sorry kung pinaramdam ko sa iyo na parang wala na akong oras para sa 'yo when in fact, I wanted to cuddle with you. Kiss you hard and make love to you for so many times. I'm sorry for being so stupid. I'm sorry, wife. Babawi ako."

Ayaw kong magsalita, may gusto pa akong marinig.

"About Aidan, I was just jealous of him yesterday. As for Aisha, I tortured her. Real hard para lang umamin siya sa mga kasalanan niya. After that, parang na-trauma ako dahil malaki ang naging epekto nun sa best friend ko. That's when I got the phobia of hurting women. Aphrodite took me to a place, pinakilala niya ako sa mga investors niya na interesado ding mag-invest sa business natin. Huwag ka ng magselos sa kanya, sweetheart. I don't feel anything towards her. And can we just forget about you, your personal issues about pregnancy. Hindi ko na nga naiisip 'yan."

"Say that again when I'm done resting her soul in peace." Tukoy ko kay Aphrodite. Mainit talaga ang dugo ko sa babaeng 'yon.

"You don't mean it, do you?" Dudang tanong niya.

"Stay away from her at walang Mafia War 2 na mangyayari." Unang beses na ang nangyaring sinubukan akong gamitin ng ama ko at iniligtas kami ng Mafia nila na umabot sa madugong bakbakan. Titiyakin ko na magiging pangalawang giyera na ang mangyayari kay Aphrodite kapag napuno na talaga ako.

"Sweetheart?"

"Madali akong kausap, Ashton." Kumalas ako sa yakap niya at pumasok ng banyo.

Maliligo ako at matutulog. Kailangan kong magpahinga.

Gutom ako, pero nangingibabaw ang antok ko. Naubos ang enerhiya ko sa pagbiyahe at paglalakad. Idagdag pa ang dami ng mga salitang nasabi ko sa kanya.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon