Chapter 41- Edited

2.3K 82 0
                                    

Reese

"Ashton, sumama ka sa kanila." Sabi ko sa kanya ng diretso. Kasama na namin sina Aiko, Tyron, Callie, Mimi at Isan.

"Why the hell would I? Argh." Napahawak na naman siya sa kanyang ulo. Inalalayan ko siya at inangat ang kanyang mukha. Kanina pa niya iniinda ang sakit, sinipat ko kanina kung may sugat ba pero wala naman akong makita. Nasa loob ang sakit na nararamdaman niya.

Magkakasakit pa siya lalo nito. May sakit na nga siya, madadagdagan pa. Hmm. Sinipat ko ang kabuuan niya. Hinubad niya na ang kanyang pang-itaas kanina. Marami siyang sugat at pasa sa kahit saang parte ng kanyang katawan. Putlang putla na ang labi niya at namumungay ang kanyang mga mata. Nag-iinit na din ang kanyang katawan.

Nakapalibot sa amin ang lima niyang tauhan na nakatalikod upang magbantay sa paligid.

Pilit niyang hinawakan ang mukha ko kahit halos wala na siyang lakas, "Wife, I just want you to know that I have regret everything. I love you so much and forgive me. After everything that we have gone through, I'm still looking forward that you will still decide of staying with me. That you won't leave me again. I swear, from this moment and then, that I will never make you feel ruled. That I will not commit the same mistake again. Mahal kita at kahit na ano'ng mangyari, hindi kita susukuan." Umiwas siya ng mukha ng maagap ko iyong pinaharap sa akin, "Kahit iwan mo pa ako ay hihintayin kita ulit. But please, just don't give up on me. Can you do that?"

Tumango ako at uminit ang pisngi ko matapos niya iyong sabihin. Pumikit ako ng magdikit ang aming​ mga noo, "Mahal din kita. Kahit na ano'ng mangyari ay wala na akong mamahalin pang iba. Patawad din sa pag-iwan ko sa 'yo at lagi mong alalahanin na nandito lang ako. Hintayin mo din sana ako." Yun lang ang sinabi ko at may malungkot na ngiti bago ko siya masuyong hinalikan sa labi. Niyakap ko siya ng mahigpit at kumalas din kaagad.

"I love you." Masuyo niyang sabi.

Tumango lang ako at hinampas siya sa leeg dahilan para makatulog siya. Hindi pa siya tuluyang natutumba ay sinalo ko siya at tinawag sina Aiko. Binilinan ko silang iuwu si Ashton at protektahan siya sa kahit anong paraan.

"Paano ka, Mrs. Boss?" Tawag sa akin ni Tyron bago ako tumalikod sa kanila.

"Kaya ko na ang sarili ko." Medyo nag-iba ang tono ng pananalita ko habang nakatingin sa asawa kong himbing na natutulog. Nasa magkabila niya sina Aiko at Tyron.

"Kung gusto mo ay sasamahan kita Mrs. Boss." Alok ni Isan na idinaan ko sa iling ang aking sagot.

"Kapag mas madami kayo, mas panatag ang loob ko na makakauwi siya ng ligtas. Pakisabi sa kanya na dadating ang anak namin kasama ni Scarlet sa bahay." Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papalayo sa kanila. Mabibigat ang mga hakbang ko na lumayo sa kanya, "Sabihin niyo sa kanya na bantayan niya ang anak namin. At magpahinga siya ng matagal."

Magkikita pa naman kami, tinitiyak ko iyon.

Nang hindi ko na maramdaman ang presensya nila ay tumakbo na ako ng mabilis. Paikot-ikot ako sa buong kagubatan. Halos lahat ng nakakasalubong ko ay nakikipaglaban para sa kanya kanyang buhay.

Tumigil ako sa paglalakad at pinakiramdaman ang paligid ng may tumalon pababa mula sa itaas ng puno at nakaamba sa akin ang isang samurai. Napaatras ako at pumosisyon ng pangdepensa. Nakahawak ang isang babae ng O Katana na klase ng samurai. Patakbo siyang sumugod at pinadausdos niya iyon sa kanang gawi ko. Tumagilid ako at napaatras ulit ng maliksi siyang kumilos at pasadahan ako sa tiyan.

Iwas lang ako ng iwas. Napayuko ako ng mahampas niya iyon sa katawan ng isang puno. Tumayo lang ako at hinintay siyang mahugot niya iyon. Para naman siyang napahiya kaya hinayaan niya na lang iyon na nakabaon sa puno. Binunot niya ang isa pa niyang katana mula sa kanyang likod at muling sumugod sa akin. Tinantiya ko ang kanyang kilos at hinuli ang kanyang kamay. Sinubukan niya akong tuhudin ng mapigilan ko iyon at sinuntok siya ng hindi binibitawan. Nang matapos ko siyang suntukin ay sinipa ko ang kanyang tuhod at binuhat mula sa likod ko. Inikot ko din ang katana ng nakatihaya na siya sa lupa at sinaksak ko iyon sa kanyang tiyan. Lumayo ako sa kanya ng may lumabas na dugo sa kanyang bibig habang naubo.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now