Chapter 24- Edited

3K 102 40
                                    

Reese

Nangyayari ba talaga 'to? Hindi ba ako nananaginip? Baka tulog ako?

Tinampal ko ang aking magkabilang pisngi at napatingin sa salamin, balik naman sa hawak hawak kong maliit na bagay. Naghilamos ako ng malamig na tubig at hinawakan ko ulit ang bagay na nagpapatunay sa sinabi ni Anita kagabi.

Pangatlo na ang hawak kong pregnancy test kit at parehong dalawang guhit ang resulta.

"Bakit?" Tanong ko na hindi pinagbubuksan kung sino man ang kumatok sa pinto.

"Are you done? May problema ba, Reese?" Si Aidan pala.

Isinama ko na siya dito kagabi nang sinundo kami ni Anita. Sa labas siya natutulog kasama ni Tatay Tomas dahil na rin sa nahihiya siyang makitulog sa bakanteng kwarto. Hindi naman daw siya pihikan.

"Wala naman."

"What's the result?"

"Magpadala ka ng doktor, pwede ba?"

"Huh? So you mean?"

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at inakbayan niya ako habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin.

"Positive? Really?" Kakikitaan ng kaligayahan​ ang mga mata niya.

"Oo."

"Congratul-! Tsk." Napayakap siya sa akin at nakataas na naman ang isa niyang paa sa ere.

Ganito na talaga siya, nerbyoso yata at mabilis gulatin.

"Lumayo ka sa kanya binata at wala akong tiwala sa pagmumukha mo." Banta sa kanya ni Tatay Tomas na may nakaambang shotgun sa direksyon ng katabi ko. Nasabi sa akin ni Anita na paborito ni Tatay ang baril na iyon.

"Oo na po! Para kayong si Vhon eh. Tsk. Ngayon lang nagka-tsansa eh." Pakamot kamot sa ulong lumayo siya sa akin at nauna nang lumabas ng banyo.

"Kamusta, hija? Buntis ka nga ba?" Lapit ni Tatay Tomas sa akin.

"Oo. Pakiramdam ko po ay nasa isa akong panaginip, Tatay. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko." Sagot ko sa tanong niya.

Isang pangarap ang natupad na. Magiging ina na ako, magkakaroon na din ako ng anak. Sa wakas.

Ano ba ang dapat kong gawin? Ano ang mga hindi at pwede? Kailangan ko bang magpatingin kaagad sa doktor? Paano ang mga gamot ko? Kabisado ko ang mga gatas at gamot na iniinom nina Charry at Terry sa kanilang pagbubuntis, alam ko din kung anong klaseng diet ang ginagawa nila. Alam ko ang kadalasang ginagawa nila, ngunit ngayong nangyayari na rin sa akin ay parang hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Si Ashton? Karapatan niyang malaman ang pagdadalang tao ko. Sigurado akong magiging masaya siya. Magiging tunay na kaming pamilya. Ang anak namin ang magsisilbing una at sentro sa prayoridad naming mag-asawa. Nakikinita ko na ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang magandang balita.

"Natutuwa ako para sa iyo, hija. Huwag kang mag-alala at hindi ka namin pababayaan dito."

"Maraming salamat, Tatay."

Biglag sumeryoso ang ekspresyon​ ng mukha niya.

"May tanong ako."

"Ano po iyon?"

"Bakit nga ba isinama mo pa ang binatang iyon dito, hija? Hindi maganda kapag nalaman ng asawa mo ang tungkol sa kanya, tiyak na magagalit iyon."

Kailangan ko si Aidan, mapapakinabangan ko siya kapag nagkataon.

At gusto ko siyang makita bawat oras, hindi ko alam kung bakit. Basta sa ngayon, dapat ay nandito lang siya. Nakikita sa bawat oras at nababantayan sa lahat ng pagkakataon.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now