Chapter 8- Edited

3.6K 120 7
                                    

Reese

Akala ko ba wedding anniversary ang pupuntahan namin at hindi lamay?

Pinasusuot niya sa akin ang isang bestidang puti at abot na hanggang sa ilalim ng tuhod ko. Para akong buntis.

"Ashton, bakit ito ang suot ko?" Hinarap ko siya at naghihintay na pala siya sa pinto.

"Favorite color ng Mom ni Mario, sweetheart." Kahit siya ay nakasuot din ng puti.

"Hindi ba pangit?"

"Nope. You look even more gorgeous, sweetheart. Kung wala lang tayong pupuntahan ngayon, I just want to grab you and make love to you." His eyes are drowning me.

Napaiwas ako ng tingin habang papalapit sa kanya.

"Tara na?" Aya ko sa kanya.

Tumango naman siya at bumaba na kami.

*******

Si Aiko ang naghatid sa amin at bumalik din siya kaagad sa bahay.

Pagdating namin ay marami nang tao ang nandito. Mga kilalang personalidad sa lipunan ang mga imbitado. Nandito din ang ilan sa mga kaibigan namin kasama ang mga asawa nila.

Lahat ay nakabihis ng magara at nagkakatuwaan na ng dumating kami.

Malaki ang bahay nina Mario, pero mas maluwag naman ang bahay nina Daddy Zander.

Nakakapit ako sa braso ng asawa ko ng may lumapit sa aming grupo ng mga kalalakihan. Ngayon ko lang sila nakita at hindi ko gusto kung paano nila ako tignan.

"Zup? Long time no see huh?" Bungad ng lalaking nakatingin sa akin pero ang kausap niya ay ang asawa ko.

"Ashton, doon na lang muna ako kay Maria." Paalam ko sa kanya

"Sure. Huwag kang aalis sa tabi nila, okay?"

Tumango ako at iniwan siya doon kasama ng mga kalalakihan. Hinanap ko naman sina Maria pero iba ang natagpuan ko.

Lumapit siya sa akin na paskil ang nang-aasar niyang ngisi.

Invited din siya? Bakit hindi nasabi sa akin ng asawa ko?

Nag-umpisa na ang selebrasyon at tumahimik ang lahat maliban sa mga taong nasa gitna ng maliit na entablado. Sila siguro ang mga magulang ni Mario.

"Hello there, Reese. Long time no see eh?"

Isang linggo pa lang ng huli kaming nagkita, ng sinalubong niya ako.

"Bakit ka nandito?"

"Oh, didn't your husband inform you that I'm invited here? Hirap naman niyan, naglilihim sa 'yo ang asawa mo?" She's mocking me again.

She's testing my patience.

Sa dinami dami ng dumalo dito, siya pa talaga​ ang nakasalubong ko.

"Ano ba talaga ang kailangan mo sa asawa ko?"

"Haha! He pulled out all his shares and stocks in my company. He even cancelled all the pending transactions that we will have in the coming months. Seriously? Ganyan mo ako pagselosan?"

Galit siya dahil sa ginawa ng asawa ko?

"Hindi, dahil walang kaselos selos sa iyo. Ibig sabihin lang nun, mahal niya ako at pinapahalagahan ng asawa ko ang mga gusto ko."

"Oh c'mon, everybody gets jealous of me. Pero alam mo bang kaya kitang pilayan dito mismo nang hindi mo namamalayan?" Lumapit siya ng ilang hakbang sa akin.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now