Chapter 45- Edited

2.6K 79 7
                                    

*******

"Pierre, ano ba ang nangyayari kay Reese?! Nak ka ng- guys nakita niyo 'yun?! Nakita niyo?!" Tarantang inumpisahan ni Castiel ang usapan.

Kompleto silang magkakaibigan kasama sin Pierre at Anne. Lahat sila ay puno ng galos at pasa sa parte ng kanilang katawan. Lahat ay pagod. Nagtatago sila sa kaguluhan, kailangan nilang bumawi ng sapat na lakas dahil hindi basta basta ang pipigilan nilang tao kapag natapos na ang laban.

Tiyak nilang sapat na ang mga tauhan nila Vhon at Aidan upang ubusin ang bawat isang kalaban.

"Aba malay ko! Hindi ako ang nag-experiment kina Reese!" Nanlalaki ang ilong na sagot ni Pierre.

"Pwede ba Asstiel, huwag mong masigaw-sigawan ang asawa ko. Kumalma muna tayong lahat, pwede?" Pagitna sa kanila ni Alejandro.

"She's still my wife. Nothing's changed. It's just that- damn." Napasandig si Vhon sa gilid ng bangka na sapo ang kaliwang dibdib, "I will save her."

"Dude, she's out of her mind. Hindi mo ba nakita kung paano siya lamunin ng halimaw sa loob ni-" Hinawakan niya sa kwelyo si Edu na hindi na nagulat pa sa kanyang reaksyon.

Kahit hinang-hina at tinakasan na ng kulay ang kanyang mukha ay biglang nag-init ang kanyang ulo sa lumabas sa bibig nito. Alam ng lahat na ayaw niyang hinuhusgahan ng masama ang asawa.

"I'm gonna fucking kill you once you say such thing against my wife again, Edu. I swear! Malilintikan ka talaga!" Bulyaw niya sa mukha nito.

"Vhon stop it, let's take things easy. Shall we?" Sa sinabing iyon ni Ford ay mas lalong nag-init ang kanyang ulo.

Bumaling siya dito, "How can you say that?! Paano mo 'yan nasasabi gayong marami na ang namamatay sa atin?! Sa tingin mo ba madali lang ang sitwasyon na 'to?!"

"Pare, hindi ganyan ang ibig niyang sabihin." Sabat ni Alejandro.

"It's you who don't fucking understand me!" May poot niyang sigaw sa lahat, "You are not in my position!"

"Tama na, pare. Katulad mo, hindi namin ginusto na mangyari ito sa 'yo o sa isa sa atin." Lapit sa kanya ni Mario, "Nadadala lang tayo sa sitwasyon, magkapatid tayo, hindi dapat tayo ang nag-aaway ngayon."

Huminga siya ng malalim at pilit na inabot ng tingin ang asawa sa di-kalayuan na walang tigil sa pagpatay. Nakita pa niya kung paano nito binali ang leeg ng isa nilang tauhan na gusto lang sana siyang pigilan.

Kahit saang sulok sila ng isla tumingin ay nagdanak ang dugo, nagkalat ang mga bangkay at armas. Mga pakikipaglaban na parang walang katapusan.

"Alam niyo ba kung gaano kasakit nang mapagtanto ko na ang lahat ng ito ay dahil sa kagaguhan ko noon?" Pumatak ng malaya ang luha sa kanang mata na pasimple niyang pinahid, "Bakit ba kasi ang gago ko kahit hanggang ngayon. My life is a mess. I'm a brat, an egoistic jerk, an asshole."

"Pare naman, mahal ka namin kahit ganyan ka." Ani Jomarie sa kanya.

"We lost the child." Iniabot ni Pierre sa kanya ang nanlalamig na bangkay ng sanggol, "My daughter, ilang buwan din kitang hinintay. Fate is so unfair, I didn't even get the chance to see you open your eyes or feel your heartbeat."

"Puta naman Vhon, pinapaiyak mo kami!" Naluluhang sita sa kanya ni Edu.

Tumawa siya ng pagak at hinalikan sa noo ang sanggol, "You exactly look like your Mom, don't you know that?" Kausap niya dito hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol, "Anak... I want you to know that I sincerely apologize... For everything... Ako ang pumatay sa 'yo..."

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon