Chapter 9- Edited

3.7K 111 22
                                    

Vhon

Fuck you, Aphrodite. Pangatlong kasalanan mo na 'to sa akin. Isa pang kasalanan, Mafia War 2 na ang kasunod nito.

"Hays. Damn it, my fault." Bumangon ako at napatingin sa bukas na pintuan ng kwarto dito sa second floor ng bahay. Kaharap ng kwarto ko ngayong gabi ang pinto ng kwarto naming mag-asawa kung saan paniguradong marami na ang tumatakbo sa utak ng asawa ko. Baka nga durog na ang ang babaeng 'yon sa utak niya.

Bakit ba galit na galit siya kay Aphrodite? Selos lang ba talaga ang nararamdaman niya o iba ang dating ng kaibigan ko sa kanya?

Does she feel something dark about that woman? That she thinks Aphrodite is elusive? Subtle?

Tss. Malakas ang kutob ng misis ko, kahit ako din naman ay may kutob na may pinaplano ang baliw na Aphrodite na 'yon. She even broke one of their Mafia's rule just to make my wife jealous.

Malalaman ko din ang plano niya. Sa ngayon, susuyuin ko muna ang asawa ko.

Ano ba ang dapat kong gawin? Umiiyak siya kanina. She cries rarely. And I know, she's hurt. Too much. I was jealous earlier at the party. I don't like how people glance or stares at her. Tanggap ko naman na dahil malakas ang karisma niya and it's because that's what she was made for. To deceive, to fool others, to entice others by just her attractiveness.

Oh, ano na? Hindi maluluto ang adobo kung tutunganga ka lang diyan.

Tss. Kakausapin ko ba siya? Pupuntahan ko siya ngayon? Aalis na ako bukas. Eleven pm pa lang naman. Hindi ko itutuloy ang flight bukas kung hindi niya ako papatawarin. Eh bakit ba parang kinakabahan ako? Tss. Para akong bakla!

Naisip ko ang wasak naming glass wall, ang wasak na whole body mirror, at mga picture frames namin na basag. Kahit ang ibang gamit niya sa bedside table ay nagkalat na din.

Sumigaw ba siya? Hays. Ganun siya kagalit?

Argh. My wife is driving me crazy!

Sinuklay ko ang aking buhok at huminga ng malalim. I look stupid, daig ko pa ang manliligaw pa lang. Yeah. Liligawan ko siya. Tumayo na ako at pumasok sa kwarto namin. Hindi ako makakatulog hangga't hindi kami nagkakaayos o nagbabati.

She's already asleep?

Nakatagilid siya at wala ng kumot. Hindi pa nga siya nakapagbihis ng pantulog.

"Wife." Hinaplos ko ang pisngi niya. Wala siyang reaksyon, "I know you're still awake."

Sometimes, I feel like we are connected. Not just by the heart. I was shot in the head when I was just seventeen, she saved me. Binigyan niya ako ng dugo niya at tinanggap naman ng katawan ko 'yon. If not, baka patay na ako ngayon o comatose pa din. And then, nararamdaman ko siya kapag nasa malapit lang siya. Kahit nakatalikod ako at hindi nakatingin sa kanya. It's like our bond is getting stronger and wider.

Just how great science is.

"Matulog ka na, may flight ka pa bukas." Tinalikuran niya lang ako at nagtalukbong ng kumot.

Damn it. She's still mad.

"Hindi ako matutulog hangga't hindi mo ako napapatawad. I'm so sorry, sweetheart."

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now