Chapter 40- Edited

2.5K 78 4
                                    

Vhon

"Because I'm already losing you!" Malakas kong sigaw sa kanya.

Mas masakit pa 'yung nararamdaman ko sa dibdib kesa sa mga pasa at sugat na natamo ko galing kay Aisha.

Hindi niya ako kinakausap katulad ng dati, hindi niya ako makuhang tignan katulad ng Reese na may pagmamahal sa akin. Hindi na siya malambing sa akin. Hindi niya na ako magawang pagsabihan katulad ng nakagawian niya. Nagbago na siya at sobrang sakit na sa pagiging tahimik at cold niya ay unti-unti niya na akong pinapatay!

She's killing me inside, torturing every tiny bits of me. Her silence is threatening me, for I know that she will do something that can break me totally. After everything that I have done, do I still deserve her? Will we make it till the end together?

Kasi kung pagbabasehan sa paraan ng pagtrato niya sa akin ay alam ko na ang sagot. Iiwan niya na ako, iiwan nila ako. Hindi ko kaya! Mababaliw ako!

Pinilit kong tumayo pero natumba na naman ako. Namamanhid ang dalawa kong binti. Nangangawit kakatayo ko ng matagal. Ang sakit pa din ng magkabila kong wrist at mas mahapdi kapag may lumalabas doon na dugo. I'm fucking dying!

Inalalayan niya ako at sinampay ang kaliwang braso ko sa kanyang balikat. Tahimik na naman kaming naglalakad ng isandig niya ako sa puno na nasa madalim na parte.

Pinagmasdan ko ang mukha niyang sobrang amo kahit blanko na naman iyon. Naglilikot ang kanyang mga mata at pinapakiramdam ang buong paligid. Pinulupot ko ang braso ko sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Ang lamig pa din ng katawan niya.

Bigla kong naalala ang ginawang pagnakaw ng halik sa kanya ng tauhan ni Aisha. Then... how that beast kissed her hard. Kung paano niya binastos ang asawa ko sa mismong harapan namin. Gustong-gusto ko siyang sugurin at patayin ng mga oras na yun... pero wala akong nagawa. Wala na talaga akong kwenta!

Pakiramdam ko, wala akong kwentang asawa. Hindi ko siya magawang protektahan o ipagtanggol man lang. Katulad noon, imbes na ako ang magligtas sa kanya ay ako pa ang nagawa niyang iligtas mula sa kamatayan. Ngayon, siya na ang gumawa ng paraan para makatakas kaming lahat ng mga kaibigan namin.

Huminga ako ng malalim. Ayokong mawala na naman sa katinuan.

"I am sorry for everything. Naging makasarili ako at inaamin ko na kasalanan ko ang lahat ng ito." Malumanay kong sabi. Inamoy ko ang buhok niya, "Nagpaputol ka ng buhok o pintulan mo 'to mismo?" Nagawa niyang putulin ang buhok niya ng ganun ganun lang, "I'll make this right. Not just for myself, but also for you. For our families and for our child." I believe her, our baby's not dead. She's just asleep.

Huminga siya ng malalim at niyakap din ako pabalik. This feels good. Naah, much better. Kahit hindi siya nagsasalita ay alam kong malapit niya na akong patawarin.

"I love you. I will never stop loving you." I whispered in her ear with all my heart. Pinakiramdaman ko siya pero nanatili lang siyang nakayakap sa akin.

Ilang segundo pa ng kumalas siya at bigla akong iniwan. Nanghihina akong napaupo sa lupa at nakaramdam ako ng panlalamig ng nagsimula na namang pumatak ang malakas na ulan. Nakikisabay pa ang lintik na ulan sa nararamdaman ko!

Hindi ko rin alam ang nangyayari sa akin pero nagmumukha na talaga akong gago. Ayaw gumana ng utak ko, nakikisabay pa ang katawan ko na sobrang pagod. Pigil na pigil ko lang talaga ang huwag lang mapaigik kapag ginagalaw ko ang aking mga kamay. Ang sakit na sobrang hapdi ng wrists ko. Kapag talaga gumaling ako ay sisiguraduhin ko na hindi na ako nagkakaganito ulit!

Nakayuko ako ng napaangat ako ng tingin, "Wife..." Mabilis niya akong hinatak at palakad takbo kaming umalis doon.

Ang ingay ng buong paligid, humahalo na ang malakas sa ulan. Ang putukan ng mga baril at mga pampasabog. Medyo mabaha na din ang daan na tinatahak namin.

The Perfect Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon