Chapter 18- Edited

3.1K 119 2
                                    

Reese

Ibinaba kami ng kotse sa isang lugar na may kalayuan sa syudad. Mausok na may kasamang alikabok ang hangin na dumadampi sa balat ko. Tinakpan ko ang aking bibig at hinarap silang dalawa.

"Maraming salamat, Aidan. Pati na din sa iyo, Geneva. Ito na sana ang huling beses na magkikita at magkakasama tayo."

"Naah. You're not going anywhere without us, Reese." Pigil ni Aidan.

Alice is dead. A traitor from a certain Mafia deserves a bloody death and Geneva willingly gave it to her. Walang ibang nasaktan at nakasaksi kundi kaming tatlo lang ni Aidan. Geneva is quite good, pareho sila ng kilos at galaw ni Anne. Napaisip tuloy ako kagabi kung iisa lang ba ang naging instructor nila.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Masusunod ang lahat ng gusto mo Mrs. Boss, pero hindi ka namin pwedeng pabayaan. Kahit saan ka man magpunta ay makakasama mo kami." Sagot ni Geneva

"Kaya nga ako umalis upang wala akong makasalamuha ni isa sa inyo, may koneksyon kayong lahat sa asawa ko."

Umiling si Geneva.

"We will live a simple and normal life since that's what you want, Reese. But we can't just let you live on your own, hindi mo pa kilala ng tuluyan ang mga bagay bagay. Baguhan ka sa mundong gagalawan mo at kailangan mo kami." Napaiwas ako ng tingin. How did I let this happen? I became too dependent with my husband and now, I don't really have a choice. Do I? I will need someone to connect me to the real world, kahit hindi ko gusto ay kailangan.

"Isang buwan at pagkatapos nun ay iiwan niyo na ako."

"Hmm. Okay, deal." Aidan

"Saan mo gustong magpunta, Mrs. Boss? Ipapasyal kita kahit saan mo gusto." Geneva

"Huwag mo akong tawagin niyan, Reese na lang."

"Hindi pwede Mrs. Boss, isa sa mga batas ang pagbigay galang sa inyo. We are not allowed to call our Boss in her first name." Pero wala kami sa mansyon at wala din siya sa isang misyon.

"Ikaw Aidan? Hindi ka kasapi ng organisasyon ng asawa ko, diba?"

"I'm one of the Black Mafia's pillars, Reese. Your Mafia is an independent organization with dependent resources- at kami yun, ganun kami kung mailalarawan." Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti, "Kaibigan kita at kailangan kong masiguro ang kaligtasan mo. Papatayin ako ni Vhon kapag may nangyari sa iyong masama, hindi ka namin pwedeng pabayaan na lang."

Kaya pala madali lang para sa asawa ko ang bitawan si Aphrodite. Akala ko ay independent lang talaga ang Mafia niya. Maasahan talaga siguro ang mga pillars na sinasabi ni Aidan, mga sekretong tao na hindi bibitawan ang Mafia dahil kinakailangan nila ang asawa ko higit kanino man.

Who wants to mess with my husband? No one dares, maliban kay Dimitrios. Ah. The past should stay in the past. Hindi na dapat pa ungkatin iyon.

"Gumayak na tayo at nang makahanap na din ng matitirhan. Ang layo din ng byahe natin ha. Hoy Geneva, buhatin mo na ang bag ng Boss mo at nang makalakad na tayo." Aidan

"Tumahimik ka nga! Alam ko ang gagawin ko, okay?" angal ni Geneva

"Huwag na, mabigat ang bag ko." Hindi siya nagpaawat at binuhat niya ang bag ko. Napangiwi siya at binatukan si Aidan na natatawa dahil sa reaksyon niya.

"What?" Natatawang angal pa din ni Aidan sa ginawa niya.

"Such a gentledog! Ikaw magbuhat! Nahiya naman ang bag ni Mrs. Boss sa katawan mo!" Nauna na siyang maglakad sa amin na nakapamulsa.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now