Chapter 38- Edited

2.2K 76 0
                                    

Reese

Hindi maari. Hapon na pero wala man lang ni isang senyales na may parating.

Dadating pa ba sila? May aasahan pa ba kami? May dadating ba na tulong?

Sina Mama at Papa, si Joseo at Cindy. Sina Mommy Glorietta at Daddy Zander, paano na lang sila kapag nagtagumpay si Aisha?

Baka mamayang gabi sila dadating. Baka natagalan si Pierre.

Tinapunan ko ng tingin si Aidan na nasa harap mas malapit na sa pwesto namin. Lugmok na lugmok siya. Napunit ang long sleeves niya at may mga nagkalat na tuyong dugo doon. Hindi na siya makilala sa ayos ng mukha niya. Punit ang labi at puno ng pasa sa buong katawan. May mga gasgas din siya sa braso at balikat. Malinaw na malinaw ang mukha niya na nakaharap sa amin at kitang kita ko kung paano na siya kapagod. Dalawang oras din siyang binugbog at nang makatulog siya sa pagod at sakit ng natamo ay saka siya tinapon sa harapan namin na parang basura. Gustuhin ko mang maawa pero hindi ko magawa.

Ang sinunod na binugbog nila ay si Geneva. Mabilis na nawalan siya ng malay dahil napuruhan ang kanyang ulo at mabilis na natapos ang pananakit nila sa kanya. Ngayon ay nasa paanan siya ng pinsan niya. Nasira ang kanyang kilay at putok ang kanyang labi. Tuyo na din ang dugo sa kanyang balat at damit. Mahimbing din siyang natutulog.

Nang matapos ipabugbog ni Aisha ang dalawa ay isa-isa niyang binaril sa ulo ang ilan sa mga tauhan ni Ashton. Sa mismong harapan din namin, pinaluhod at lahat ay nakabulagta ng papatukan nito. Wala siyang nagawa para pigilan si Aisha. Tanging mga mura niya, pilit kong sigaw huwag lang mabasag ang mga taenga nila at upang huwag akong makilala, hagulgol nina Deanna at Dina, sigaw ni Anne na may kasamang pananakot at mga putok ng baril ang nag-iingay kagabi. At mga mura ng mga kaibigan namin na nasa kulungan.

Kusang naglandas ang butil ng luha sa kaliwa kong mata at mabilis ko iyong pinunasan sa aking braso. Simula ng makilala ko ang aking asawa at mapalapit ako sa kanya ay naging mahina na ako. Naging malambot. Hindi na ako ang walang emosyon at inosenteng Reese Elizabeth. Mukha na akong sunod sunuran at helpless.

Habang inaalala ko ang nangyari kagabi ay mas sumisidhi ang pagkamuhi at galit ko kay Aisha. Paano na ang mga pamilya ng pinatay niya? Ang ilan sa kanila ay siyang inaasahan ng kanilang asawa, anak at mga magulang. Ang iba ay kilala ko ng personal dahil sila pa noon ang umaalok sa akin na sumama sa mga charity events at organisations na tinutulungan nila. Hindi ko lubos maisip ang magiging reaksyon ng mga kapamilya nila kapag nakarating sa kanila ang ganitong pangyayari.

Sobra na talaga. Kung sana ay wala ang mga kaibigan namin dito ay baka unang gabi pa lang ng makapanganak ako ay inunti unti ko na silang patumbahin.

"Don't you have a plan? This all your fault. Kung hindi ka lumayas at nagpakasarili ay wala sana kaming lahat dito." Mahinang kausap niya sa akin. Malayo ang mga bantay at si Aisha ay pinagpipilian kung sino ang isusunod niyang ipabugbog sa mga kaibigan namin. Alam kong galit pa din sa akin si Anne, ramdam ko iyon sa boses niya.

"I wanted to find myself." Mahinang balik ko din sa kanya, "Hindi ako makakagawa ng hakbang dahil madami tayo dito. Kapag kumilos ako ng mali ay mabilis tayong mamamatay. Kapag lumantad naman ako ay mas delikado." Mapapadali ang gustong mangyari ni Aisha kapag nagkataon.

"I trust you, I always do." Pampalakas loob ni Reed sa akin. Tumango ako sa kanya at sinilip ang asawa ko na naalimpungatan.

Mugto ang mga mata niya dahil habang nasigaw siya at kumakawala ay pumapatak ang kanyang mga luha. Hindi ko maisip kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ngayon. Pinapatay na siya ng kanyang konsensya. Pighati, kalungkutan at sakit sa emosyonal at pisikal, isama pa ang kanyang pag-iisip.

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now