Chapter 13

3K 99 3
                                    

Vhon

I'm so fucking excited to see her.

Kakaalis lang namin sa aiport at sakay naman kami uli ngayon ng kotse. I don't mind my jetlag, seeing her is already enough. Sulit ang lahat ng pagod at pangungulila ko mayakap ko lang siya. I already texted her at hindi ko sinabi na pauwi na ako sa bahay ngayon.

Bet she's already asleep now. It's almost 9 pm.

Papasok pa lang ng gate ang bahay ay parang gusto ko nang tumalon palabas ng kotse. Nang tumigil na ay hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ng pinto ni Aiko at kusa na akong lumabas. Tumakbo ako sa bahay at tinungo ang kwarto namin.

I was smiling like an idiot but in just a snap, I was dumbfounded when I opened the door and saw nothing.

Binuksan ko ang pinto ng banyo pero wala din siya.

Where the hell is my wife?

Kunot noo kong binuksan ang dalawa pang kwarto dito sa taas ngunit wala pa din.

Even Cindy and Vhien, where are they?

Bumaba ako at ang guest room ang binuksan ko, she used to sleep here. Nakaramdam ako ng kaba ng hindi ko pa din siya nakita.

Walang Reese. What the fuck.

"Aiko!" Tawag ko ng malakas sa kanya.

Patakbo siyang lumapit sa akin. Hawak ko ang aking noo at hinilot hilot ko ito.

"Where's my wife?! Bakit wala siya dito?! Sino'ng kumuha sa kanya?!" Bulyaw ko sa harapan niya.

Napakamot siya ng ulo at kapagkuwan ay tinawag ang mga bantay sa gate. Kapag may nangyari lang talagang masama sa asawa ko! Malilintikan silang lahat sa akin!

Nakapila silang lahat paharap sa akin at nagpalakad lakad ako.

"Nasaan ang asawa ko?!" Tanong ko sa kanila.

"Boss, lumabas po sila kanina p-"

"Sino'ng kasama niya?! At bakit pinayagan niyo silang lumabas?!"

"Si Lady Cindy-"

"Diba mahigpit na binilin ko sa inyong huwag palalabasin ang asawa ko kapag gabi?! At walang permiso galing sa akin?!"

"Sabi ni Lady Cindy, nagpaalam daw siya sa inyo-"

"She did not! You should have asked me personally! Now, where's my wife?!" Walang ni isang sumagot sa kanila. Nanggalaiti ako sa galit. Damn it. I promised my wife na hindi ko na sila ulit bubugbugin pero kapag lang talaga! Ako mismo ang maghahatid sa kanila sa libingan!

Mga walang kwenta!

"Fuck you all! Kapag may nangyaring masama sa asawa ko, papatayin ko kayong lahat! Aiko, call some people! Find them! Find my wife!"

Kinuha ko sa kanya ang susi ng kotse. Umalis ako ng bahay na hindi alam kung saan ako pupunta. Pinaharurot ko lang ng mabilis ang sasakyan. Siya dapat ang nasorpresa sa pag-uwi ko, hindi yung baliktad!

Kulang na lang sabunutan ko ang sarili ko kakaisip kung nasaan na sila!

Tsk!

Saan ba sila pumunta sa ganitong oras?! My wife should be sleeping now! Nagtampo ba siya dahil hindi ko sinagot ang reply niya kanina? And where did my sister take her? Ano namang kalokohan ang ginawa niya?

Mapapalampas ko ang mga kapilyahan niya sa Academy at kung saan man siya nagpupunta kasama ang mga kaibigan niya at si Joseo but not this time, dinamay niya pa talaga ang asawa ko!

The Perfect Wife [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora