Chapter 30- Edited

2.7K 112 3
                                    

Reese

Nagising ako sa mahinang pagbukas ng pinto, nagmulat lang ako pero hindi ko siya nilingon o hinarap. Hindi ko rin siya tinapunan ng tingin o binati.

Iba ang pakiramdam ko sa paligid. May hindi magandang mangyayari.

"Bumangon ka at aalis na tayo dito, Reese." Naramdaman ko ang paglapit niya sa kama pero hindi ko pa din siya sinagot.

"Gabi na Aidan at kung hindi ako nagkakamali ay walang alam sina Reed tungkol sa pagpasok mo dito." Nilingon ko siya na kunot ang noo at may pagkabahala sa kanyang mga mata.

"Tumawag si Geneva at papasugod na ang mga tauhan ni Aphrodite. You are our main concern here so we need to hurry." Hinatak niya ako ng mahina sa braso, hindi na ako kumontra pa at nagpatangay na ako sa kanya.

"Paano ang mga tao dito? Hindi ko sila pwedeng pabayaan."

Sina Tatay Tomas, Anita at Wilfred. Paano na ang pangako ko sa kanila? Na tutulungan ko sila sa abot ng makakaya ko.

"They're leaving this place as soon as possible. We have spotted a couple of speedboats approaching near the seashore and some armored car on the way, they're all warned. Ano'ng ginagawa mo?" Halos manlaki ang mata niya ng walang ano akong nagbihis ng masikip na damit.

Kailangan ko itong gawin upang kapag tumakbo ako ay hindi masyadong maalog ang tiyan ko.

"I'll fight."

"No! We are leaving!" Kontra niya.

"Huwag mo akong kokontrahin, Aidan."

"Reese, umalis na kayo. Isasama niyo sina Anita, Tatay Tomas at ang bata. Nasa labas na sila kasama sina Deanna at Dina. Magpapaiwan kami dito ni Anne upang pigilan sila." Sulpot ni Reed na may bitbit na isang bag, inabot niya iyon kay Aidan na tinanggap naman ng huli.

"Ang bigat naman pero salamat. Tara na." Mahinang reklamo niya saka ako sinenyasan na lumabas.

Hindi ko siya pinansin, bagkus ay hinarap ko ulit si Reed at humakbang palapit sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, paparating ang mga tauhan ng asawa mo. Wala ka ding magiging problema kapag may humarang sa daraanan niyo dahil maliban kay Wilfred ay marunong kayo sa pakikipaglaban." Dagdag niya.

"Papunta siya dito?" Sigurado iyon, ni minsan ay hindi siya pumapalya kapag ginusto niya at naaayon sa sitwasyon niya ang lahat, "Baka mapahamak siya."

"Hahabol naman siya at baka papatapos na ang laban kapag dumating na siya dito. Sa ngayon ay mahalagang makalayo ka na sa lugar na ito, huwag kayong titigil o lilingon. Huwag mo na din kaming isipin pa."

"Sumama ka sa akin, Reed."

"Hindi ko iiwan si Anne dito." Kontra niya.

"Pero ayaw ko ang iwan ka dito, wala kayong kasama."

"Pero hindi tayo normal, alam mo ang kakayahan at kapasidad ko."

"You can kill thousands of people but you can't just do it in this situation. Hindi mo alam ang kakayahan ng mga tauhan ni Aphrodite." Hinawakan ko siya sa braso ng hatakin na naman ako ni Aidan papalayo sa kanya.

"Kailangan nating magkawatak watak upang malito sila, at huwag mong susubukang itaya ang kaligtasan mo. Mas mahalaga kayo ng anak mo kahit kanino o ano man." Sinalubong niya ang mga mata ko na nanghihingi ng pang-unawa.

May kutob ako na may mangyayaring masama kapag hindi siya sumama sa amin.

"Ikaw ang mamili Reed, ako o si Anne?"

The Perfect Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now