Chapter 1

13.1K 283 3
                                    

"Lo-lolo..." naluluhang sabi ko habang nakatitig sa walang buhay na si lolo. Nakahandusay siya sa sahig at may nakatarak na kutsilyo sa kanyang dibdib

Nanginginig ang mga tuhod ko habang papalapit kay lolo. Hindi pwede to.

"Oh! You must be Yuna." bahagya akong nabigla nang may nagsalita. Nakaupo siya malapit kay lolo. Sumilay ang ngisi sa labi niya.

Siya.

Siya ang pumatay kay lolo! Kitang-kita ko ang bahid ng dugo sa kanyang damit.

Namuo ang galit sa dibdib ko. Gusto ko siyang patayin. Gustong-gusto ko siyang patayin!

Papalapit siya sakin habang may mapanudyong tingin.

Nasarado ko ang mga kamao ko. Nanggigigil ako! Nanggigigil ako! Hindi ko siya mapapatawad. Hindi ko siya mapapatawad. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

Hanggang sa makalapit na siya sakin ng tuluyan.

Kitang-kita ko ang ngisi niya. Kitang-kita ko ang mukha niya.

Mukha niyang malademonyo. Mukha niyang may bahid ng kasamaan.

Nangangalaiti ako sa galit. Ang gusto ko lang mangyari ay ang mamatay siya.

Umiiling pa siya bago nagsalita.

"Sayang ka." at itinaas ang kutsilyong kinuha niya sa likod niya, handa nang saksakin ako.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

May gustong kumawala sa katawan ko.



Sasaksakin na niya sana ako nang bigla siyang tumalsik papalayo sakin. Patungo sa dingding, kung saan nagdulot ng malakas na impact.

Hindi ko alam kung paano iyon nangyari, basta alam ko lang, may itim na usok na lumabas sa katawan ko.

Natumba ako't napahiga sa sahig. Bumibigat ang katawan ko. Mahihimatay ako.
Nakaharap ako kay lolo.

"L-lolo..." naiiyak kong pang saad bago tuluyang nawalan ng malay.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now