Chapter 23

5.3K 130 1
                                    

"Melanie, Tumakas na kayo rito!" sigaw ng lalaking nakikipaglaban sa dalawang lalaki.

"Pero--" kokontra sana ang babaeng nagngangalang Melanie na may hawak sakin nang sumigaw muli ang lalaki.

"Now!"

Kaya dali-daling tumakbo ang babae habang kinarga na ako nang may biglang humarang sa kanya.

Ngumisi pa ito at sandaling tumingin sakin. May kung anong lumabas sa kamay niya at agad yung pinakawalan papunta samin.

Agad na tumalikod ang babae at yinakap ako ng mahigpit habang karga-karga ako at sinabing

"Mahal  na mahal kita... anak."

Mabilis na tumakbo papunta ang lalaki sa kinaroroonan namin, sinubukang iligtas ang babaeng kumakarga sakin.

"No!"



Napamulat ako at naramdamang may dumaloy sa gilid ng mukha ko.

May kumirot sa puso ko. Sino ba yung babae? Yung lalaki?

Bakit niya ako tinawag niya akong anak?

Nanay ko siya? Yung lalaki?

Panaginip. Pero parang totoo.

Bumangon ako sa pagkakahiga at nilibot ang tingin ko sa paligid. Iba ang mga gamit dito at maraming mga kama. May malaking wall clock sa dingding.

'2:45'

Di 'to ang dorm namin. Asan ako?

Tumayo ako at napansing di na uniform ang sout ko.

Napakunot ang noo ko at inalala ang nangyari sa activity. Panaginip ba yun?

Lumabas na ako at napansin ang sign na nasa taas ng pinto. 'CLINIC'

Tahimik ang paligid at madilim pa. Madaling araw pa.

Ano nga ba ang nangyari dun pagkatapos kung himatayin?

Bumuntong-hininga ako at napagdesisyunang maglakad-lakad.

Habang naglalakad ay laging sumasagi sa isip ko ang mukha ng babae at lalaki na nasa panaginip ko.

Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko.

Panaginip lang ba yun?

"Maghintay ka lang sa tamang panahon, maliliwanagan ka rin." pampagaan-loob ko sa sarili at napagpasyahang umupo at sumandal sa punong nadaanan ko.

Ang lamig ng hangin. Hinahangin ang buhok ko sa mukha ko. Pinikit ko ang mga mata ko at nakaramdam ng antok.

Unti- unting nagliliwanag ang babae may karga sakin tsaka may bagay na pumalibot sakin.

Isang... shield.

"Mahal na mahal ko kayo ng tatay mo."
sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Napadaing siya nang tinamaan na siya sa bandang likod niya.

Iyak ako ng iyak nang mapatumba siya st nabitawan ako.

"No, Melanie!" rinig kung sigaw ng lalaki kaya napatingin ako sa kanya  na ngayon ay dinaluhan na kami.

"No, no, no, no... Please Melanie. You can do it. Don't leave me please." sabi ng lalaki nang makalapit na sa babae. Hinawakan niya pa ang kamay nito at sinubukang i-upo ng maayos.

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon