Chapter 21

5K 123 1
                                    

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa babae.
Hindi ko alam pero nakita ko siyang napaatras ng kaunti pero ngumisi rin kalaunan.

"You're not that weak pala..." tumango-tango pa siya habang tinitingnan ang kabuuan ko.


Ngumisi siya.
"Tingnan natin kung kaya mo ba to."

Ginawa niya naman uli yung kanina.
Nag-eecho na naman ang boses niya. Mas malakas, mas matinis at mas masakit sa tenga.





Tumagal yun nang limang minuto.
Pero parang wala nang epekto sakin.

Hindi ko alam.

Tinigil niya yun at nakakunot ang noong nagtanong sakin.
"Anong-- Hindi ka naaapektuhan?" naguguluhan bakit hindi na ako naaapektuhan.

Nakatingin lang ako sa kanya. Naapektuhan ako, hindi na nga lang masyado. Hindi ko yun pinahahalata dahil tumakas na lahat. Lahat ng emosyon ko.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya. Habang sinasabi ko yun ay nahimigan ko ang pag-iiba ng boses ko. Parang naging... cold?

Nakita ko ang pagkabigla ng babae sa pagtatanong ko. Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na siya.

"Wala nga akong kwenta." pagsang-ayon ko sa sinabi niya kanina.
May lumabas sa katawan kong parang itim na fog. Pumalibot yun sakin. At bigla nalang nawala ang walls na nakapalibot sakin.

Anong? Anong nangyayari?

'Accept. Accept what you really are for it might led you into your greatest desire'

Napatulala ako. May tinig sa isapan ko. At kilalang-kilala ko yun.






Si Lolo.






Pumikit ako at hinayaan ang pagdaloy ng kung ano sa katawan ko. Hinayaan ko ang gustong mangyari ng katawan ko. Accept.



Naramdaman kung aatake ang babae sakin pero bago pa niya magawa yun, dumilat na ako.
Naramdaman kong may dumadaloy sa loob ng katawan ko at gusto nung lumabas.
Inipon ko ang enerhiya yun sa katawan ko. Hindi ko alam kung paano ko yun ginawa. Basta ang alam ko, nagfocus lang ako at tinanggap ang katotohanan. Kung ano ako. Yung sinabi sa isipan ko ni lolo.



Itim na bilog. Itim na bilog ang nabubuo sa palad ko. Hawak ko yun.
Maliit yun pero unti-unting lumalaki.

Lumalaki yun nang lumalaki.
Hanggang sa di ko na makontrol.
Luh! Pano to?

'Pano to?!' panic ko sa isipan ko. Hindi ko na to makontrol at lalo pa 'tong lumalaki.

Nakita ko ang babaeng napasinghap kaya alam ko na ang gagawin. Binato ko yun sa direksyon niya.



F*ck! Ang hirap.

Nakita ko pa ang babaeng sinubukang sanggain yun pero di ko na nakita ang mga sunod na pangyayari dahil napapikit ako.

Narinig ko pa ang mga sigawan ng mga estudyante.

Nagkaroon ng nakabibinging pagsabog.

Ang lakas. Ang lakas ng impact kaya napatumba ako ng wala sa oras pero nakapikit parin.



Makalipas ang ilang segundo nawala na ang lahat ng ingay.





Nakakabinging katahimikan. Nabingi nadin siguro ako sa lakas ng pagsabog.








Dinilat ko ang mga mata ko. Pero sa pagdilat ko, napako ako sa kinatatayuan.

Napatakip ako sa bibig ko sa gulat habang dahan-dahang tumatayo.



Ano... Anong nangyari?

Wala na akong nakikitang estudyante. Halos wala na din ang mga puno. Puro abo nalang.



"Anong...? Anong nagawa ko?" naguguluhang tanong ko sa sarili bago ako nawalan na ng malay.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now