Chapter 14

5.5K 141 2
                                    

Napadpad ako sa may...

Tiningnan ko ang paligid at napagtantong wala na pala ako sa campus.

Ano to? Asan ako? Anong bahagi to ng school? Nasan ba ako? Nasa likurang parte ba ako ng school?

Matatayog at naglalakihang puno lang kasi ang nakikita ko.

At isa lang ang ibig sabihin nito.

Naliligaw ako.

Naliligaw ako. Ang swerte ko talaga. Grabe.

Kanina pa pala ako palakad-lakad nang wala sa sarili. Tss, kasi naman. Naiirita ako, at alam niyo kung bakit.

At ngayon, pabalik balik ako ng tingin sa dalawang daanan. Isa rito ang dinaanan ko ang isa kanina. Asan ba rito ang pabalik?

Sumigaw ako sa frustrasyon at padabog na naglakad. Bwesit naman.

"May imamalas pa ba-- Aray!" walangya naman! Natalisod lang naman ako at nadapa. Ano pang swerte ang ibibigay ng school na ito?

Tumayo na ako at pinagpagan ang uniform ko.

Huminga ng malalim. Malas.

Paano to? Paano ako makakabalik? Kinalma ko na sarili ko. Baka mas lalo pa akong maligaw nito.

"What are you doing here?" nabigla ako dahil may nagsalita sa likuran ko.

Humarap ako para makita siya. At alam niyo?


Isang lalaking may Gold lace ang nakatayo di kalayuan sakin.


"Wala kang pake." mabilis kong sagot at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Gusto ko lang makaalis rito.

Nagulat nalang ako nang biglang may naramdaman akong papalapit sakin kaya mabilis akong umikot para mailagan yun.

Tumama yun sa puno malapit kung saan ako nakapwesto ngayon. Halos malaglag ang panga ko. Yelo? Ice? Sword? Ano!

Inis kong tiningnan ang lalaki. Walang hiya! May ice ability. Paano nalang kong di ko yun nailagan? Paniguradong patay na ako ngayon.

Tiningnan lang din ako ng lalaki. May itsura, gwapo, pero wala akong pake.

"Baliw ka ba? Paano kong di ko yun nailagan?!" inis kong sigaw. Ugh! Ayoko sa kanya!

Inirapan niya lang ako tapos tumalikod at nagsimulang maglakad paalis. Aba't! Ah ganun ah!

Tinangka kong kunin ang espadang yelo na tumama sa puno para ihagis din sa kanya pero badluck nga naman, nasugatan lang ako.

"Aray..." ang tulis pala nito. Dumaloy ang masaganang dugo sa palad ko. Ang hapdi.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na humarap ang lalaki sakin.

"Stupid, why'd you do that?" napatingin ako sa lalaki ng nagsalita siya at lumapit sakin. What? Stupid? Baka siya.

"Obvious ba?" tanong ko pabalik, naiinis. Wala bang common sense ang lalaking to? Syempre itutusok ko yang ice na yan sa pagmumukha niya.

Nabigla nalang ako nang kinuha niya ang kamay ko at maingat na tiningnan yun. Ang lapit niya sakin.

"It's not that deep." sabi niya pa at tiningnan ako saka hinatak. Anong?!

"H-Hoy! Anong gagawin mo? Hoy!" nagpapanic na saad ko sa kanya at sinubukang kumawala sa pagkakahawak niya. Ang higpit ng pagkakahawak niya.

"Tss." yan lang ang sabi niya at pinagpatuloy lang ang pagkakahatak o sa tingin ko ay pagkakaladkad sakin. Seryoso ba siya?

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang tumigil at binitawan na ang kamay ko. Buti naman.

Nagtaka naman ako nang bigla niyang niluhod ang isa nyang tuhod at may pinitas na kung ano na halaman na malapit sa puno.



Kulay yellowish-green? Nilukot pa niya yun.

Tumayo na siya at humarap sakin.

"Gimme your hand." sabi niya sakin pero mas mukhang utos yun.

Tiningnan ko lang siya na at tiningnan na parang sinasabing sino ka ba para utusan ako?

Inis na kinuha ang kamay ko. Walang hiya! Ang hapdi kaya! Maging gentle naman sana to.

Babawiin ko na sana kamay ko nang bigla niyang pinatulo ang katas ng kung ano man yun sa kamay ko.

Ang lamig ng feeling. At unti-unti, parang nagfafade ang sugat at nawawala narin ang hapdi. Ang galing. Healing plant pala yun.

Binitawan na niya kamay ko at nagsalita

"Eazh Plantea, Healing plant." pagbibigay niya sakin ng impormasyon kaya napatango ako. Sabi ko nga.

Tiningnan ko ang kamay ko. Nawala na ang sugat. Nice. Ang bilis.

"Salamat." pasasalamat ko at tumingin sa kanya. Syempre marunong akong magpasalamat kahit naiinis ako sa kanya.

Ngunit nakatingin pala siya sakin kaya nagkatinginan kami.

Umiwas siya ng tingin at tumalikod. At naglakad palayo. Eh?

Saan 'to pupunta?

"Hoy, saan ka pupunta?" malakas kong tanong tsaka sumunod narin sa kanya. Baka alam niya paalis rito na obvious naman dahil alam na alam niya rin kung nasaan yung healing plant.

"Wala kang pake." sabi niya pa tsaka binilisan ang paglalakad. Anong? Nakabawi ah. Gaya-gaya. Tss.

"TSS." pagpaparinig ko sa kanya habang patuloy na nakasunod.



Narinig ko naman ang pag 'Tss' niya. Tingin ko tugon niya yun.



























Hindi ko alam pero naramdaman ko nalang na napangiti ako.


***

This chapter is dedicated to Marebell Cortez na ngayon ay dipa nakakamove on sa first love niya. hahaha

Walang forever oi, magmove on kana!

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon