"Hi, Geno nga pala. Geno Levdke. Earth ability." pagpapakilala sakin nung katabi nung katabi ni Raye.
Tumingin narin sakin ang katabi ni Raye.
"Aljier, Aljier Blast. Fire ability. Nice meeting you."
pagpapakilala niya sakin.Napakunot naman ang noo ko nang siniko ni Aljier si Raye at sinabing.
"Magpakilala ka oy.""Tss." yun lang tugon ni Raye.
Akala ko di na siya magsasalita pero nagsalita uli siya.
"She already know me."Napa-ahh naman ang dalawa kasama ang dalawa ko pang kahanay.
Kahit na may mga pagtataka ang mga mata nilang tumingin sakin.
Tinanguan ko nalang sila.Hindi na naman sila nagtanong pagkatapos.
Napatingin naman kami sa teacher ng magsalita na siya.
"Okay, sa mga bagong dating. Ako pala si Lezel Jumanio. Ma'am Zel nalang itawag niyo sakin."
"Okay po." sabi naman ni Chial kaya tinanguan siya ni maam.
"Alam niyo na siguro kung bakit namin isinagawa ang activity na yun." seryosong sabi ni maam.
"You mean, yung sa Voir Side po maam?" tanong ng isa naming kaklase.
Tumango naman ang teacher at nagsalitang muli.
"It's because we don't have enough time."
Masinsinang nakikinig ang mga estudyante kay maam, pati ako.
"Kahit anong oras, maaaring sumugod ang kalaban. Ang Revengers."
Revengers? Sila uli?
"Alam naman nating malalakas sila kaya kailangang maghanda. Kailangan niyong mag-ensayo, magpalakas. Kailangang protektahan ang isa't isa. Kailangan nating protektahan ang sarili natin. Kailangang maging malakas."
YOU ARE READING
Ponferreda Academy
FantasyIsang babaeng misteryo ang tunay na katauhan. Malalaman na kaya niya ang gusto niyang malaman? Makakamtan na kaya niya ang gusto niyang makamtan? Paano kung makapasok siya sa eskwelahang hindi niya lubos maisip na nag-eexist pala? Paano kung dito ni...