Chapter 15

5.6K 122 0
                                    

Kinabukasan

Nakaramdam ako ng may yumuyugyog sakin.

Inis kong minulat ang mga mata ko at bumungad ang pagmumukha ni Shane.
Inaantok pa ko.

Pinikit kung muli ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog.

"Lon, gising!" rinig kong sabi ni Shane habang niyuyugyog parin ako. Bahala ka dyan!


Hindi ko parin minulat ang mata ko hanggang sa naramdaman kong tumigil na siya. Ganyan, sumuko ka na. Matutulog na uli ako ng matiwasay at--

"LONA! GISING! MALALATE NA TAYO!" sigaw niya sa tenga ko na siyang nagpabangon sakin ng wala sa oras. Sakit sa tenga.

Tiningnan ko siya ng masama kaya agad siyang nagpeace sign. Baliw.

Nakauniform na siya, pati nadin si Kate na kasalukuyang nagsusuot na ng ID niya. Kaya tumayo na ako at pumunta ng banyo.

Nagtataka siguro kayo kung ano nang nangyari kahapon. Ganito yun.

"Pabalik to sa campus?" tanong ko habang sumasabay kay Oley na cool na naglalakad. Oo, Oley. Binase ko yan sa ability niya. Ice na sa tagalog ay yelo. Baliktarin niyo ng basa ang yelo, diba oley? At bagay sa kanya.

Hindi kasi siya nagpakilala at ayoko rin namang magtanong, asa!

"Diba obvious?" sabi niya na parang sinasabi sakin na 'duh, wala ka bang common sense?'

Walang siyang sense kausap.

Teka, parang nasabi ko na 'to sa kanya kanina ah. Wala din ba akong sense o nanggagaya lang to?

"Magtatanong ba ako?" inis kong sabi at umirap kahit hindi niya nakikita. Itong Oley na to!

"..." hindi siya nagresponse at tumuloy lang sa paglalakad habang  nakapamulsa. Cool na siya niyan?

Hanggang sa may nakita akong parang labasan. Yung parang may pinto pero wala naman.

Basta. Ito na siguro ang daan pabalik na obvious naman dahil nakikita ko na sa di kalayuan ang school buildings.

Tumakbo na ako patungo dun at nilingon si Oley na nakatanaw na sakin.

"Una na ko sayo OLEY!!" paalam ko. Sinigaw ko yung pinangalan ko sa kanya at mabilis na takbo.
Nakita ko pang kumunot ang noo niya sa term na 'Oley'. Bakit kaya? Ang ganda ng kaya ng pinangalan ko sa kanya.


(Back to present)

*Cafeteria*

Nakaupo na kami at kumakain. Napansin kong panay ang tingin ng ilang estudyante sa gawi namin, sa akin.

"Anong tinitingnan nila?" tanong ko kina Kate at pasimpleng tiningnan ang mga estudyante.

Itinigil nina Kate ang pagkain at bumaling sakin ng may pagtataka.

"Huh?"

Napairap nalang ako sa kanila at pinagpatuloy ang pagkain.

Tumingin sila sa paligid bago naintindihan ako.
"Ahhh..." sabi ni Kate na sa tingin ko'y nagets na ang sinasabi ko.

"Baka kasi sa nangyari kahapon." pagpapatuloy niya pa.

Napakunot ang noo ko at tumingin sa kanya ng may pagtataka.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.
Anong nangyari kahapon?

"Katakot ka kasi." bulong ni Shane na rinig ko naman. Lalong kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nila?

"Para ka kasing kakain ng tao eh." sabi ng isa sa mga classmates ko na katabi ni Shane. Mie ang pangalan?

Naguguluhan ako. Anong pinagsasabi nito? Ako, kakain ng tao?

"Diretsuhin niyo nga!" naiinis kong sabi sa kanila. Yung maiintindihan ko ang mga sinsabi nila.

"U-Uy, chill. Kasi naman eh, nakakatakot ka kaya kahapon Yuna. Parang may bumabalot sayo ng mabigat na madilim na aura. Yun. Yung hinding-hindi ka pwedeng banggain at susubukan. Yung tipong makapanindig balahibo! Katakot!" pagpapaliwanag ni Mie na ngayon ay hinahabol ang hininga niya. Sunod-sunod kasi ang pagsasalita.

Napataas ang kilay ko. Pinagtritripan ba nila ako?

Nagkaroon ng bigla nang biglang pagtunog. Kasunod ay ang pagsasalita ng isang babae.

"To all students, proceed to Voir Side now. I repeat, proceed to Voir Side now."

Nagkatinginan kami nina Kate. Voir Side? Ano yun? Saan yun? Anong gagawin dun?

Wag niyong sabihing...?






Nagsimula nang umingay ang Cafeteria-- Mas lalong  umingay ang Cafeteria. Nagmistula na tong Beehives. Ingay nila.


"Voir Side?" tanong ko sa mga kaklase ko. Wala akong ideya kung ano yun.

Isa sa mga katabi ko ang sumagot sakin.
"Doon yun sa may West side ng campus. Yung part na magubat."

Gubat? Sabi ko na nga ba. Dun ba yon kung saan ako naligaw?

"Luhh... Nakakatakot pa naman dun. Sabi-sabi, may mga Monsters and Creatures daw dun. Goshh." parang nag-aalalang saad ni Kate habang nakayakap sa sarili niya.



Monsters? Creatures?

Hindi nako nagulat dahil hindi imposibleng mangyari yun. Siguro, gusto kong mag-adjust at gugustuhin kong mag-adjust sa mga mangyayari dito dahil wala din naman akong magagawa?


Tumayo na kami, ganun din ang ibang mga estudyante at naglakad na palabas, patungo sa Voir Side.

Kung saan man yun.
Baguhan lang kaya ako.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now