Chapter 17

5.1K 116 3
                                    

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Nagulat nalang ako ng mapansing ang numerong biglang lumitaw sa bandang taas ng Voir Side ay napalitan ng ibang numbers.

'29'

Nagsisimula na ang countdown.

Litse na. Hindi to nangyayari!

"Tara na Lon!" pag-aya ni Kate at hinatak na ako. Hala.

Nagpabigat ako.
"Hoy, hindi pa ako handa!" angal ko tsaka nagpabigat pa lalo para di niya ako mahatak.

"Mauubusan na tayo ng oras!" buong lakas akong hinatak ni Kate at tinulungan nadin siya nina Mie kaya nagtagumpay sila sa paghatak sakin!

Wala na.


Tumakbo na kami papasok. May kasabay din kaming ibang sections kaya binilisan pa namin ang pagtakbo para makapwesto.

Tumingala ako para makita ang pagcountdown.

'10'

Hala!

Binilisan pa namin ang pagtakbo.

'9'

'8'

'7'

'6'

'5'

'4'

'3'

Patay.

'2'



















'1'

Biglang tumahimik ang paligid.

Tumigil narin kami sa pagtakbo habang hinahabol ang hininga.

Tumitingin ako sa paligid. Hindi ako pamilyar dito. Kahit na nakapasok na ko rito, hindi parin ako pamilyar dito. Pare-pareho kasi ang mga puno, maliligaw ka talaga.


Magsasalita na sana ako nang may napansin akong gumagalaw sa likuran ng puno kung saan nakatayo si Shane.

Nagsign ako sa kanila na wag maingay. Nagtaka naman sila pero sumunod parin.


Dahan-dahan kaming naglakad papunta roon para hindi makalikha ng ingay.

Naghanda sina Shane.











Dahan-dahan kaming sumilip dun habang pigil ang hininga.




Hanggang sa makita namin ang hindi namin inaasahan.


"Meow." aning pusa. Pusa lang. Pusa lang pala.

Nakahinga na kami ng maluwag. Kasunod nun ay ang pag-iingay ng tatlo.

"Hay, natakot ako dun ah!"

"Kala ko naman!"

"Haha, pusa lang pala.."


"Meow... Meow.." pag-meow ng pusa kaya napatingin kami uli sa kanya. Kulay puti siya. Ang cute naman.

"Meow."

Napalingon kami lahat sa ibang gilid ng puno.

Nagulat kami dahil may isa pang pusang lumitaw sa kabilang puno. Kulay black.

Bakit may mga cute na pusa rito?

"Ang cute cute naman ng mga pusang to." komento ni Kate tsaka lumapit sa pusang puti at aakmang hahawakan nang biglang may lumitaw na naman na pusa. Mga pusa.

Lima siguro sila lahat. Bigla ay parang nakakaramdam na ako ng hindi pagiging komportable sa sitwasyon.

"Oy, mas dumami pa sila." sabi ni Kate, hindi na tinuloy ang balak habang nag-uumpisa nang umatras. Nararamdaman niya rin ang nadarama ko.

Panu ba naman kasi ay nakatitig sa amin ang mga pusa at dahan-dahang lumalapit. Creepy.




Napalaki nalang ang mata ko at ng mga kasamahan ko. Napasinghap din nang sa hindi inaasahan ay unti-unting lumalaki ang mga pusa.

Nag-iba ang anyo.



Ano?





Nagkaroon ito ng bibig ng parang sa crocodile at may katawang sa tigre. Ano?!






"MWEOORR!!" sabay-sabay na pagroar nang kung ano man 'tong nasa harap namin.
Ang pagroar nila ay kasamang pagmeow sa pusa at ang pagroar ng isang tigre. Hybrid?
Nakakakilabot!

Napasigaw na din kami at nag-unahan na kaming tumakbo palayo dito.

Ano to? Ano to!

Lumingon ako sa likuran ko. Hinahabol kami.

"Shane, gamitin mo ability bilis!" utos ni Kate kay Shane habang patuloy kami sa pagtakbo.

"Hindi ako makapagconcentrate tsaka,  ang rami nila!" sagot ni Shane.

 

"Hoy Mei, ano ba ability mo?" tanong ko kay Mie habang tumatakbo parin kami.

Hinihingal niya akong nilingon bago ako sinagot.
"Fart..." pagsabi niya sa gitna ng hingal.




"...bomb." dugtong niya.






Ha?

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon