Chapter 6

7K 144 0
                                    

Nakahiga ako sa kama. Oo, nandito na ako sa dorm. Sinamahan ako ng dalawa papunta rito.

Malaki ang dorm. Ang ganda ng mga desinyo sa dingding. May isang banyo. May tatlong kama, may tatlong kabinet na nasa gilid ng mga kama.

Payapang katahimikan.


Nilagay ko na kanina pa ang mga damit ko sa kabinet na walang laman. May mga laman kasi yung dalawa at alam kong sa mga kadormates ko yun.

Tss. Ang boring, kanina pa ako nakatitig sa kisame.


-Flashback-

Nakatingin lang ako sa unti-unting bumubukas na gate. Hanggang sa tuluyan nang bumukas yun at nakita ko na ang loob.

Namangha ako at kumurap-kurap. Ang laki-laki ng school, triple or quadros siguro ang laki nito sa mga dating school ko. Tingin ko ito ang pinakamalaki at pinakamagandang school na nakita ko.





Matataas na mga buildings. Ang malalaking ovals na napalilibutan ng mga minitrees. Mga naka-arrange na mga exotic na mga bulaklak sa gilid ng mga rooms. Ang nakaka-attract na color na mga buildings. Ang mga iba-ibang estraktura na nakapalibot sa buong campus na hindi na matanaw ng mga mata ko.



















Ang linis. Ang luwang, ang lawak.





Parang Dream school. Ang ganda ng nararamdaman ko sa lugar, ang ganda nang mga nakikita ko. Ang ganda ng ambiance. Para akong nasa ibang bansa.












Nakakalula.




















Kung ako lang mag-isa, siguradong-sigurado akong maliligaw ako. Ang laki ba naman.

May nakikita rin akong mga studyanteng  nasa labas ng rooms. Ang iba ay nakatingin sa gawi ko at ang iba naman ay may ginagawang di ko alam.

-flashback ends-



Narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napabaling ako dun. May dalawang babaeng nakauniform na may orange ID lace. Nandito na pala dormates ko.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now