Chapter 32

4.1K 97 0
                                    

"Tara na." aya ko sa kanila nang natapos na kami.

Tumango sila dahil puno pa ang mga bibig nila.

Una na akong lumabas ng dorm namin.
Sumunod narin ang dalawa.

"Dali Zette, ability mo." sabi ni Chial kay Zette.

"Okay."


Lilipad na naman kami.

"Bilisan mo ah."

"As you wish."

Nagpigil ako nang hinga nang sinimulan na ni Zette ang paglipad namin.

Ang bilis nga. Mas mabilis pa nung una. Parang yung spaceship ng alien. Dahan-dahang umaangat paitaas pero bigla-bigla na lang bibilis at mawawala.

Ang sikmura ko.



"We're here." pagkasabing-pagkasabi ni Zette ay nalapag na kami at halos mapaupo ako.

Nakakahilo.

"Grabe, feeling ko masusuka ako." sabi ni Chial at napahawak sa tiya niya.

Nahihilo rin.

"Feeling lang naman eh, para lang yang hindi." natatawang sabi ni Zette sa kanya.

Inirapan lang siya ni Chial.




"Grabe, Late na nga talaga tayo." nakangusong sabi ni Chial habang nakaharap sa isang room na may teacher na na nakatayo.

"Sinabi mo pa." sabi rin ni Zette at tiningnan ako.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi ko kasalanang late ako nagising dahil dinaldal nila ako kagabi.

"Sino bang hindi nagpatulog kagabi?" naiinis kong tanong sa kanila.

Kaya ayun, nagturuan.

"Ladies."
Napatingin kami sa nagsalita.

"Ah-eh, Goodmorning maam." sabi ni Chial habang nagkakamot ng ulo.

Ang teacher pala.

"Wala ba kayong balak pumasok?" tanong niya samin kaya dali-dali pumasok ang dalawa at sumunod narin akong pumasok.

Bagong room.

Ponferreda AcademyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu