Chapter 2

10.3K 222 1
                                    

Napabalikwas ako ng bangon. Inaalala ko ang mga nangyari.

Si lolo. Napahagulhol ako ng iyak nang maalalang wala na siya. Lolo...

Siya ang nag-alaga sakin simula bata.

Siya lang ang mayroon ako. Siya ang tumayong magulang ko.

Lolo...



"You're awake." may nagsalita malapit sakin. Hindi ko siya pinansin at umiyak parin ng umiyak.

Ang sakit. Yung may mahalagang parte ng buhay mo ang mawala nalang ng ganun-ganun lang.


Di ko matanggap, di ko matanggap na wala na si lolo.


"I'm sorry for your loss." nagsalita siyang muli kaya napatingin na ako sa kanya. Nakita ko ang maganda niyang mukha. May lungkot sa mga mata niya.

Sa tingin ko ay limang taon ang tanda niya sakin.

Tiningnan ko lang siya habang tulo ng tulo ang luha ko.


"I know its hard for you to accept it but you have to be strong." aniya

"Tahan na..." pagpapatigil niya sakin pero mas lalo pa akong naiyak.

"Ano bang naging kasalanan ni lolo? ba't siya pinatay? ba't ganun?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko lubos maisip na patay na siya. Bakit?

Niyakap niya ako "Shhh... Magiging ayos rin ang lahat."


Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang pinto. May lalaking pumasok na sa tingin ko ay kaedad lang ng babae.

Kumalas ang babae sa pagkakayakap sakin at bumaling sa lalaki.

"Ano na ang balita?" tanong ng babae sa lalaki.

"Kailangan niyang mailipat." sagot ng lalaki at tumingin sakin saglit bago bumaling na sa babae.

Tumango lang ang babae at tumingin na sakin.

"Kailangan mong sumama samin."

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon