Chapter 26

4.9K 109 0
                                    

Mga bulong-bulonangang wala akong pakialam.

"She seems weak."

Awtomatikong napatingin ako sa estudyanteng nagsalita sa unahan. Oo, salita hindi bulong. Pinasadya talagang iparinig.

Tinitigan ko siya. Siya yung babaeng nakaSkyblue lace student. Yung section E na Thorns ang ability. Yung nakalaban ni Raye.

(A/N: Nasa chapter 18-19)

Talaga? Mahina?

Tinignan ko lang siya nang walang pinapakitang emosyon.
Umiwas siya agad ng tingin. Kala niya naman.

Nagulat nalang ako nang may biglang sumundot sa taguliran ko pero pinanatili kong kalmado ang mukha ko.

Humarap ako sa kung sino man ang sumundot sakin at kumunot ang noo.

"Ahm.. Proceed na daw." sabi ng babaeng di ko alam kung sino.

Nakita kong ang mga kasama kung nasa harapan ay naglalakad na patungo sa pintuan ng hall.

Hindi kasi ako nakikinig at ayoko rin makinig.

Gumawa uli nga daan ang mga estudyante para makadaan kami.

Sumunod ako.

Napadaan pa ako kina Shane. Ngiting-ngiti pa sila at nagthumbs up.




Fast-Forward


Nandito na ako sa isang room, nakaupo. Nasa bandang hulihan, malapit sa bintana.

'Room 144'

Wag niyo kong tanungin kung paano ako napunta rito, sumunod lang ako sa mga section A.

"Oh, hello sa inyo students. For those who are newbies here, the names Shiem Lovate. You can call me Teacher Shie." bungad samin ng babaeng teacher. May kaliitan ang babae. Makinis at maganda.

"May ilan sa inyo na nanggaling sa ibang sections. Meron ring consistents. Congratulations to all of you."

Lilipat daw ng ibang dorms ang mga lower sections. Isa na ako dun.

Makakasama raw namin ang ibang section A students.

Yun lang naman.

Bakit lilipat pa? May napapansin pa akong patingin-tingin sakin.

At bukas na bukas na daw sisimulan ang paglilipat.

Di naman masyadong excited no?

"Okay, that's all. You can go to your respective dorms at simulan na ang pagbabalot-balot ng mga lilipat." natatawa pa si Teacher Shie.

"Susunduin nalang kayo ng mga bagong kadorms niyo."

Tumango naman sila.

"By the way, where's Miss Ponferreda?" biglang nagtinginan sakin ang mga magiging kaklase ko kaya napatingin ako kay Maam.

Miss Ponferreda? Ang weird pakinggan. Di pa ako sanay.

Tinaas ko ang kamay ko kaya nakita na niya ako.

"Follow me." sabi niya tsaka naglakad palabas kaya tumayo narin ako kahit naguguluhan ako.

May nadinig pa akong mahihinang bulungan.

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon