Chapter 18

5.1K 125 0
                                    

Fartbomb?

Utot? Ano?

"Dali, gamitin mo yun!" utos ko sa kanya bago nilingon ang mga pusa. Wala kaming choice.

Maaabutan na kami!

"Okay!" sabi ni Mie tsaka huminto.
Huminto nadin kami.

Pumwesto na si Mie nang biglang may pagsabog na nangyari.

"Hala! Ano yun?!" sigaw ni Kate na nagpapanic.

Malapit kasi sa kinatatayuan namin ang pagsabog. Litse.




Tumingin ako sa paligid at hinanap ang pinanggagalingan nun.

May naglalaban na mga estudyante hindi kalayuan.

"Mweeeeor.." napaiktad kami sa pagkagulat. Patay!

Ang lapit na nang mga ito samin. Naabutan na kami.

"Easy, cat..." hindi alam ni Shane ang gagawin habang paatras kami ng paatras.

"Heh. di na cat yan!"

"Manahimik nga kayo." pagpapatahimik ko sa kanila.
Walang magagawa ang pagkomento nila sa mga nangyayari samin.

"Hala, patay, patay." nangangambang saad ni Mie at naapakan pa ako sa paa nang umaatras kami. Tss.

Baliw ba tong mga to? Eh kung gamitin kaya nila ability nila.

Patuloy lang kami sa pag-atras ng may lalaking biglang umatake sa mga pusa.

Section D. Blue Lace student.


Pinagbabato niya ito ng mga laso. Lasong maliliit pero matutulis. Ang bilis ng mga paggalaw niya.

Todo ilag ang mga pusa pero natatamaan niya naman kahit paano. Ang galing.








Hanggang sa isa-isa nang natutumba ang mga pusa at nawala. Nakatunganga nalang kami sa kanya. Grabe.





"Impressed?" mahanging tanong niya habang tapos na niyang patumbahin ang mga Hybrid.

Tumango naman ang tatlo at nagsalita.

"Ang galing mo."

"Oo."

"Grabe. Panu mo nagawa yun?"

Nagsmirk naman ang lalaki tsaka nagsalita na kinagulat namin.
"Kayo naman ang sunod."

Bigla-bigla niya nalang kaming pinagbabato ng mga laso niya. Ano?!

"Takbo!" sigaw ko sa kanila at nauna nang tumakbo. Walang hiya. Pagkatapos ng Hybrid na yun, ito naman.



Naramdaman kong sumunod sila sakin at ang mga laso din. Takbo para mabuhay!






"FVCK TO!" malakas kong mura nang makadaan ako sa gitna nang isang estudyanteng taga section D at section F na naglalaban. Muntik na akong tamaan ng mga tira nilang di ko alam kung ano.

Malapit na yun! Nadapa pa ako sa pag-ilag, pero walang panaho ang pagkagulat dito. Kailangan kong magsurvive! Kaya dali-dali akong tumayo at nagpatuloy sa pagtakbo.





Ang sakit na ng paa ko. At hingal na hingal narin ako.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid at tumigil. Walang masyadong estudyante rito dahil ang layo-layo na nang tinakbo namin.



"Dito muna tayo." hinihingal kong saad sa tatlong nakasunod sakin at liningon sila. Ngunit wala akong nakitang ni anino sa likuran ko.






Ano? Asan sila?!






Kinalma ko muna ang sarili ko at hinabol ang hininga. Ako lang mag-isa. Napahiwalay pala ako sa kanila. Panu na yan?







Sumandal muna ako sa may puno.
Buhay talaga.

"And look whose here..."

Napaayos ako ng tayo. Napatingin ako sa nagsalita at nakita ang mga Sec. E student. Tatlong nakaSkyblue lace student. Isang lalaki at dalawang babae.

Nasa gitna ang babaeng nagsalita.

Patay.











Umatras ako at bumwelong tatakbo nang nagsalitang muli ang babae.

"Hep, hep. Saan ka pupunta?" tanong niya at hinarang ang pupwedeng daanan palayo.



"Kung saan wala kayo." mabilis kung sabi at naghanap nang madadaanan patakbo para makalayo. May maliit na daanan sa gilid ng babae kaya doon ako natungo.

"Hindi ka makakatakas! Janice, Dali!" rinig kung sigaw niya at inutusan ang babaeng nasa gilid ng lalaki.

Napatili nalang ako at nagulat ng may lumitaw na lubid sa daraanan ko at pumulupot yun sakin. Nahuli ako.

"See? Told you." rinig kong sabi niya at naramdamang hinihila ako ng lubid papunta sa kanya. Ability ng kasama niya!



Nagpupumiglas ako pero mas humuhigpit lang ang lubid. Masakit!


Hanggang sa makalapit na ako sakanila.

Kitang-kita ko ang pagngisi nang babae ganun din yung lalaki.




"Ikaw yung bago, diba?" tanong niya sakin habang tinitingnang maigi ang mukha ko.



Tiningnan ko lang siya at hindi nag-abalang sumagot.



"A-aray..." daing ko nang humigpit pa lalo ang nakapulupot ng lubid sakin.

Masakit. Walang hiya!

Tumawa lang sila at hinigpitan pa lalo.

Grabe. Ang sakit ng katawan ko. Parang mababali na ang mga buto ko.







Naramdaman kong bigla nalang lumamig ang paligid.
Nagulat ako ng tumilapon ang mga sec. E students.

May umatake sa kanila.











Dahil dun ay natumba ako nang nawala na ang lubid na nakapulupot sakin.

Aray ko. Sakit sa katawan.


Umupo ako at hinawakan ang pinuluputan ng lubid. Ugh.
May isang pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko.

Tiningala ko siya. Pagkakita ko sa mukha niya ay nagulat ako.

"Hey..." sabi niya pa.

Si Oley.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now