Chapter 3

9.7K 190 1
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako sumagot, hindi ko rin alam ang isasagot ko.

Ako? Sasama sa kanila? Ni hindi ko nga sila kilala. Ni hindi ko alam kung ba't ako nandito, kung bakit dinala nila ako dito.

"Ipapaliwanag ko sayo ang lahat dahil alam kong naguguluhan ka pero bago ang lahat, ako nga pala si Jenn at siya si Clinton."

Tumango na lang ako at tumigil nalang sa pag-iyak. Alam kong namumugto na ang mata ko at alam ko ring walang magbabago kung iiyak lang ako ng iiyak.

"Kailangan ka naming ilipat ng ibang school. Para hindi ka na habulin nila." sabi niya pa na kinakunot ng noo ko. Ha? Sinong sila?

Nagpatuloy siya.
"Namatay ang lolo mo dahil sa pagproprotekta sayo.
Hindi ka niya pinabayaan. Lagi kayong lumilipat dahil ayaw niyang matunton kayo. Alam niyang may kakaiba sayo at alam din niyang may naghahabol sayo..." tumigil muna siya at muling nagsalita, "para patayin ka."

Lumaki ang mga mata ko sa mga sinasabi nya.

Parang siguradong-sigurado siya.

Totoo ba to? Joke time ba to?

Pero hindi eh. Parang totoo.

At kung totoo man to, paano niya nalaman?

"Anong... Paano mo nalaman?" tanong ko kahit hindi ko naman talaga alam kong nagsasabi ba siya ng totoo.

"May kakayahan akong makita ang lahat ng pangyayari sa buhay ng isang tao sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang mga mata." sagot niya.

Napaawang ang bibig ko. Gulat. Totoo ba to? May mga bagay na ganun? Seryoso ba siya?

"Alam ng lolo mo na may pumapatay sa mga katulad mo dito.
Oo, may katangian ka na naiiba sa ibang tao. You're special. Nakikita ko sa mga mata mo."

Hindi ko magawang ma-absorb lahat ng mga pinagsasasabi niya. Hindi ko magawang maniwala.

Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari to.

"At magiging ligtas ka lang kung ililipat ka namin sa school ng mga katulad mo, natin. Dun ka maproprotektahan at dun ka tuturuan kung paano gamitin ang ability mo, ang kapangyarihan mo." sabi nung lalaki, si Clinton.

Ayokong mag-kuya at mag-ate sa kanila.

Napatingin ako sa kanya at mahinang tumawa sa term na ability? kapangyarihan? Talaga?

Napakunot ang noo niya kaya nawala ang tawa ko.

Nababaliw na ba ako? Nagagawa ko pa ring tumawa kahit ganito ang sitwasyon ko? Tss.

"Ability? Kapangyarihan? Pinaglololoko niyo ba ako?Joke time ba to? Tv show ba to? Hindi nakakatawa." seryosong sabi ko.

Hindi ko alam ang paniniwalaan ko.

Hindi ko nga lubos na paniwalaan na wala na si lolo tas ito?

"Alam naming naguguluhan ka ngayon, pero magagawa mo rin itong unawain at matanggap." hinaplos-haplos ni Jenn ang likod ko.

"We know it's hard for you to believe all of this but you yourself saw it. So better accept it." pagsabat ni Clinton.

Pero si lolo... wala na siya. Hindi ko magawang matanggap ang pagkawala niya. Hinding-hindi ko yun matatanggap.

"Ang dali lang sabihin..." mahinang sabi ko at yumuko.

Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na si lolo.

Hindi ko na alam gagawin sa buhay ko.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now