Chapter 11

5.5K 130 0
                                    

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng mga section H students. Nasa room na ako, magpapakilala.

"Yuna Montejo."
pagpapakilala ko. Bakit ba kasi kailangang introduce-introduce pa? Tss.

"Anong ability mo?" tanong sakin ng kaklase kong babae. Hindi ko alam ang pangalan.

"Hindi ko alam." sagot ko. May katanungan sa mga mata nila ngunit tumango nalang sila.

"It's okay Ms. Montejo, we'll help you." sabi ni Maam.

Tinanguan ko siya at umupo na sa bakanteng upuan sa dulo.

Nagsalitang muli si Maam. "Okay class, proceed to the oval. May activity akong hinanda para sa inyo."

Napasimangot ako. Kakaupo ko palang, tatayo agad.

Kaya ayun, lumabas na kami ng room, papuntang oval. Narinig ko pang nagtanong ang mga kaklase ko kay Maam pero nagkibit-balikat lang siya.

Sasabihin niya raw pag nandun na kami.











At yun na.

Nandito na kami. Ano kayang gagawin?

"Okay class. I'm going to divide you into two groups." biglang sabi ni maam at hinati kami sa dalawa.

"Kayong nasa left, kayo ang group 1. Kayong nasa right, group 2." simpleng sabi niya.

Nasa right side ako, kami nila Kate. Nasa Group 2 kami.

"See that thing over there?" tanong ni Maam samin na may tinuturo sa di kalayuan. May glass na mesa dun na may nakapatong na makinang na bagay. Kulay pula.

"It's a red diamond, kailangan niyong makuha yun at maibigay sakin. Kung sino man ang makakuha nun na grupo can gain points. So..." pagputol ni Maam tapos ngumiti samin.

"You have to fight each others' group." dugtong niya.

Tumango lang ang mga kaklase ko at seryosong nakatingin dun sa red diamond.



Ano? Seryoso ba si Maam? Kamusta naman ang kinain namin kanina? Unang subject palang, ganito agad? Sinabak na ako? Dehado ako! Wala akong ability. Mababaliw na nga ako sa mga nakikita ko eh. Di ba ako exempted?


Nakakunot ang noo kong nakatingin kay Maam na biglang nagsalita

"GO!"

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now