Chapter 7

6.2K 134 1
                                    

"Hi." bati sakin ng babaeng nakaponytail ang buhok bago lumapit sakin.

Lumapit narin yung isa pang babaeng nakalugay ang buhok. Kaedad ko lang sila. 16? 17?

"So... you're our new dormate. Ano pangalan mo? Ilang taon kana? Kailan ka pinanganak? Saan ka nakatira---" hindi natapos sa pagtatanong sakin nung babaeng nakalugay ang buhok nang batukan siya nung babaeng nakaponytail.

Ngumuso yung babaeng nakalugay ang buhok.

"Ako nga pala si Shane Cortes." pakilala  ng babaeng nakalugay ang buhok.

"Siya si Kate Lynne." turo niya sa katabi niyang babaeng  nakaponytail.

"Ikaw ba?" tanong pa niya sakin.

"Yuna, Yuna Montejo." pagpapakilala ko. Tumango-tango sila.

"Nice meeting you." magiliw na sabi ni Kate.
Ngumiti sakin si Shane at sinabi rin yung sinabi ni Kate.

"Ganun din ako, Anong section niyo?" tanong ko. Classmate ko daw kasi mga kadorm ko.

"H." sabay nilang sagot.

"Nasa last section tayo." dagdag pa ni Shane.

Tinaguan ko lang sila. Nasa last section pala ako.




Sana maging okay lang lahat.

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon