Chapter 8

6.1K 123 11
                                    

Nakatingin sa akin si lolo nang may ngiti sa labi. Nakikita kong masaya siya.

Hahawakan ko na sana siya nang bigla syang nawala.

"Lolo!" sigaw ko.

Napabalikwas ako ng bangon. Napanaginipan ko pala si lolo.

Miss na miss ko na siya.

Hinawakan ko mukha ko at naramdang basa iyon. Umiiyak pala ako.

Tumayo na ako sa kama at pinahid ang mga luha ko. Madaling araw na. Tulog pa ang dalawa. Saka ko nalang sila gigisingin.

Kinuha ko na ang uniform ko at pumunta sa banyo.

Ang linis ng banyo. Malaki-laki naman siya. Ang ganda ng desinyo ng tiles.

Nagshower na ako.

Pagkatapos ay sinout ko na ang uniform ko. Kulay brown na stripes ang palda kong below the knee at white long sleeves na may ribbon na brown stripes din. Ang ganda ng tela, sakto sakin at komportable ako.

Lumabas na ako sa banyo at pumunta sa kabinet ko. Sinout ko na din ang white socks at black school shoes.

Tumingin ako sa malaking salamin na malapit sa kabinet ko at tiningnan ang repleksiyon ko.

Nakalugay ang hanggang bewang kong basang buhok.

Pinagmasdan ko ang mukha ko. Ang makapal na kilay, ang kulay itim na mata, ang mamula-mula kong labi, ang malambot kong pisngi.

Maganda naman ako at si lolo ang laging nagpapaalala sakin.

Huminga ako ng malalim. Kinuha na ang ID kong kulay orange ang lace at sinout.

Unang araw ko ito sa Ponferreda Academy.

Napagdesisyunan kong gisingin na sila.
Nagmamaktol pa nga eh. Ang aga pa raw. Tss.

Nga pala, matagal akong nakatulog kagabi dahil sa ang rami ng iniisip ko. Gaya nalang ng lumulutang ang mga bagay na gawa pala ni Shane. Kala ko minumulto ako ni lolo. Tapos si Kate, Healer daw. Grabe lang! Mababaliw ako. Sa movies ko lang to nakikita. May ganito pala sa totoong buhay.

Tinanong pa nga nila ako kung ano daw ability ko. 'Ewan' lang nasagot ko. Hindi ko kasi talaga alam.  O kung meron ba talaga akong ability. Tss.

Hindi naman sila nagtanong dahil may mga abilities daw na kailangan ng panahon para madiskubre. Daw.

"Lon, tara na." yaya ni Kate sakin palabas.

Tapos na pala sila. Lumabas na kami at tutungo ng cafeteria.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now