Chapter 12

5.4K 152 3
                                    

Bigla-bigla nalang tumakbo sina Kate at ang iba pa. Ha! Di ako handa.

"Ms. Montejo!" sigaw ni Maam sakin nang makitang hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko kaya nabigla ako at tumakbo narin. Nakasunod lang ako sa mga classmates kong tumatakbo ng mabilis patungo sa mesa.

Nang bigla nalang lumipad ang isa sa mga classmates ko. Nanlaki ang mga mata ko.

"Piste! Litse!" di parin ako sanay at hindi ako masasanay.

Nagpatuloy nalang ako sa pagtakbo at pagmumura.

Nang bigla nalang may kung anong bagay na papalapit sakin.

"FVCK!" malakas kong mura.


Paano ba naman. Tinatarget ako ng isa sa taga group 1 ng maliliit na matutulis na bagay. Lumalabas iyon sa kamay niya. Sunod-sunod.

Kaya todo ilag lang ako. Walang hiya oto. Paano ko lalabanan to? Walang-wala ako. Tinuturuan naman ako ni lolo ng pagkarate pero di ko iyon magawa, ni hindi ako makalapit.

Tss. Di parin tumitigil ang isang to.






Walang pagpipilian. Ilag.





Ilag lang ako ng ilag hanggang sa naout of balance ako at nadapa. Kainis!

Kaya tumayo ako at kinuha ang isang sapatos ko sa paa. Pwersa ko yung binato sa kanya, sa mukha niya.



And Bulls-eye!

Saktong-sakto. Buti hindi dumugo ang ilong. Buti nga sayo!

Nagpatuloy na ako sa pagtakbo patungo sa diamond. Nakita kong pinag-aagawan na nila yun. Nakita ko pa si Kate na hawak yun pero nabitawan niya rin ng inatake siya ng nasa group 1.

Mababaliw na talaga ako sa mga nakikita ko. May lumimitaw tas nawawala. May kung anong nagliliparan sa ere. May mga lumalabas sa mga katawan nila. At may mga mahihinang mga impact sa mga palitan nila ng tira, kung ano man yun.

Hindi ko alam kung na-absorb na ba 'to ng utak ko.

Kaya tumigil nalang ako. Ano bang gagawin ko? Ano bang magagawa ko? Anong maitutulong ko? May maitutulong ba ako?

Nagulat nalang ako nang may biglang inihagis ang sa tingin ko'y kagrupo ko sa akin. Nasalo ko naman yun at nanlaki mga mata ko.





Red Diamond










Nasalo ko ang RED DIAMOND!!!

Sht! Anong gagawin? Anong gagawin? Nagpapanic  ako!

"DALHIN MO KAY MAAM!" sigaw ng kagrupo ko.

Kaya agad-agad akong tumakbo pabalik kay Maam.

At ano pa bang aasahan ko, hinahabol ako ng mga taga group 1. Pinagbabato pa ako ng kung ano-ano. Ilag lang ng ilag, ano pa ba! Kay lapit-lapit ko ng madapa.

Takbo parin ako ng takbo. Malapit na

Malapit na--







Nagulat nalang ako nang may biglang lumitaw sa harap ko.

Ba't ba ang hilig-hilig nilang manggulat?!

Mabilis akong umikot para bumwelo para sipain siya.

"Hyah!" sigaw ko tsaka sinipa siya sa mukha.

"Ugh!" daing nya at napatumba.









Pinagpatuloy ko na ang naudlot kong pagtakbo. Ito na, ito na.







Nakarating na ako kay Maam. MISSION ACCOMPLISHED!



Inabot ko yun kay Maam habang hingal na hingal. Narinig ko pang nagsisigawan sina Kate.




"Well, well Miss Montejo, your group wins." nakangiting saad ni Maam at pumalakpak pa.








Nanalo kami!

Ponferreda AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora