Chapter 29

4.9K 102 1
                                    

Kinabukasan

Nandito na ako sa dorm, nag-iimpake.

Lilipat na ako at ganun din pala ang tatlo.

Si Shane, malilipat sa section D. Si Kate sa section E tsaka si Mie sa section G.

"Grabe ka Lon, Hindi mo naman sinabi na ikaw pala ang anak ng may-ari sa school na to." namamanghang saad ni Mie habang nakahalumbaba sa akin. Nakaupo kasi siya sa may table. Tapos na siyang mag-impake kaya nandito siya sa dorm namin. Ang aga daw nagising. Masyadong excited.

"Oo nga, from section  H to section A. Palakpakan. Haha" sabi pa ni Kate habang pumapalakpak.

"Ano pa nga ba, si Yuna yan eh." sabi ni Shane nang zinipper nang na ang maleta niya.

Tapos na ang dalawa mag-impake. Ang aga gumising kanina, di man lang ako ginising. At ngayon, di man lang ako tinulungang mag-impake.

Hay.

"Lona, mamimiss ka namin!" biglang sabi ni Kate saka dinamba ako nang yakap.

At nakisali narin ang dalawa.


Hinayaan ko nalang. Lilipat na kami eh.

Mamimiss ko rin siguro tong tatlo. Lilipat na kami at may posibilidad na hindi kami magkita, sa laki ba naman ng paaralang to.


"Ge Lon, una na kami." paalam ni Shane nang kumalas na sakin.

Tumango naman ang tatlo.

Grabe, wala talagang balak tumulong.

Tinanguan ko narin kahit na naiirita ako.

At nang lumabas na, kinawayan pa ako.
















Ilang minuto pa ay may kumatok sa pintuan.

"Bukas yan." sabi ko.

Bumukas ang pinto at pumasok na ang mga hinihintay ko. Sina Gechial.

Buti nalang natapos na ako.

"Hi Yun, ready ka na?" bungad na tanong sakin ni Gechial nang makalapit na siya sakin.

Tumango ako. Obvious.

Tinulungan naman nila ako sa pagbitbit ng maleta ko. Buti naman. Marami-rami rin kasing laman.






"Hmmm. Malayo-layo pa dito ang dorm natin eh." rinig kong sabi ni Suzette habang nakalabas na kami.

"Yep, Gamitin mo nalang ability mo." sabi ni Gechial sa kanya.

"Uhuh, yun nga ang naiisip ko."

"Ano!" gulat kong sigaw nang bigla nalang akong lumutang.

Nagulat.

Silang dalawa ay lumutang rin pero ang pinagkaiba lang ay tumatawa sila.

"Air ability ko." imporma ni Suzette sakin.

Sabi ko nga.

"Ready na?" tanong niya samin nang mas mataas na ang lutang namin.

Ang taas.

Hindi pa!

"Go!" sigaw ni Gechial na halatang di masyadong excited.

"Teka--" naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang kaming lumipad. Lumipad kami!


Natakot pa ako ng kaunti pero nang makita ko ang nasa ilalim namin ay namangha ako.
Nakikita ko ang view sa campus.

Ang ganda ng school na to.

Ang lawak.





Ang raming estudyante na halatang naglilipat rin.

Mayroon pa ngang napapatingin samin.








"Ang ganda no?" tanong sakin ni Gechial habang lumilipad kami. Di ko na alam kung asan na kaming bahagi ng school.

Malayo-layo na rin kami sa dorm.

"Oo." sagot ko nalang. Ang ganda talaga kasi ng school ko. School ko.

Ako ang tagapagmana diba.









5 minutes later

Finally! lumapag na kami.

Ang layo din ng dorm nila ah.


"Dito na tayo!" masayang bati ni Gechial at tumakbo papunta sa isang 2 storey house?

Bahay?



"Dorm natin?" tanong ko kay Suzette habang nakaturo ang hintuturo sa kulay dirty white na bahay kung saan kami malapit na nakatayo. Meron pa kasing ibang 2 storey house rin na katabi nang bahay na tinuturo ko

"Absolutely yes." sagot niya at pinalutang uli ang mga gamit ko tsaka lumakad na patungong bahay.





Bahay na dorm.

Special pala tong section A.
Mga paborito.

Sumunod na ako sa kanya.













Nakabukas na ito dahil nauna nang pumasok  si Gechial. Kaya kitang-kita ang loob nito.

Carpeted ang sahig.

"Welcome to our dorm." nakangiting sabi ni Suzette nang tuluyan na kaming nakapasok.

Ang laki. Magkahalong pink at blue ang kabuuan ng bahay sa loob.

May chandelier pa sa pinakakisame. Sa gitna ng sala ay may table na malapad na may mga silyang nakapalibot.

Sa gilid ay may hagdanan, papuntang kwarto? Sa kabilang side naman ay may pinto. Kusina?
Parang bahay-- bahay naman to. Hindi impossibleng kusina yun.

May mga frames pa na nakasabit sa dingding. Mukhang mga mamahalin.

Ang elegante.

Pumunta silang hagdan kaya sumunod narin ako.

Bumungad samin ang tatlong pinto. Isang white, isang blue at isang black.


May kinuha si Gechial sa bulsa niya.

Susi.

At lumapit sa black na pinto at sinusian ito.

And pinasok na ang mga gamit ko. Dito pala room ko.


Pumasok narin ako at nakita ang kabuuan ng kwarto.





Pareho lang ang laki sa dorm namin nina Shane pero ang kaibahan lang ay hindi tatlo ang kama.

King-sized bed ang meron.
Ma lampshade at malaking cabinet. May mga kurtina rin na makakapal.

Black and white ang motif.

Gusto ko.

"Catch." biglang sabi ni Gechial at may hinagis sa akin.
Sinalo ko. Susi pala.

"Akin yung blue tas kay Suzette yung white." sabi niya pa.
Tumango lang ako at inayos na ang mga gamit ko.

"Kailangan mo ng tulong dyan?" tanong sakin ni Suzette habang tinuturo ang maleta kong inilalabas ko na ang loob.

"Hindi na." sagot ko sa kanya. Kaya ko to mag-isa. Hindi naman to masyadong madami.

"Okay! Iwan ka na namin ah." sabi ni Gechail tsaka nauna nang lumabas.

Sumunod nadin si Suzette sa kanya palabas.
"Sabi mo eh."

Bumuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.



Bagong environment, bagong dormates at bagong experiences.



Hays... buhay nga naman.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now