Chapter 16

5.2K 121 0
                                    

Nang matapos ang mahaba-habang paglalakad ay nandito na kami.

Ang laki kasi ng school nato.









Nandito na kami. Sabi ko na nga ba, ito yung gubat kung saan ako naligaw at nakita si Oley.



Ang Voir Side ay kung saan may malawak at nagtatayugang mga puno. Ngayon ko lang napagtantung para 'tong Enchanted Forest na kadalasan ay nababasa ko.

"Students, nagtataka siguro kayo kung bakit kayo pinapunta rito." bungad samin ng babaeng nasa mid-30s. Base sa sout niya ay isa siyang teacher.

"We'll have an activity at dito sa Voir Side gagawin yun."
dagdag pa niya at tinuro ang bukana ng Voir Side bago kami nginitian.

What? Activity na naman? Hindi ba sila nauubusan ng activity?

Nagbubulong-bulongan ang mga estudyante. Nadidinig ko ang mga sinasabi nila pero hindi ko maintindihan dahil sabay-sabay.
Ano ba naman tong school na to! Kay bago-bago ko pa lang. Tsk!

Nakasimangot na ako.

"You'll have to fight each other. Kailangan niyong matalo ang isa't isa. Sa pamamagitan ng activity na 'to ay malalaman kung karapat-dapat ba kayo sa kinabibilangan niyong sections." tumigil muna siya saglit at nginitian uli kami.

"And with that, may malilipat sa mga mababang sections at may malilipat din sa higher sections. So..." pagbibitin niya pa sa sasabihin niya.

"It's your time to shine/ Ito na pagkakataon niyo." sabay nilang sabi ng katabi niyang lalaking teacher.

May naririnig akong mga nagagalak sa narinig at meron din namang nangangamba at isa na 'ko dun.

Buhay nga naman. Baka ito na ikamatay ko. Kawawa ako. Wala akong katititing na pag-asa. Lolo!



"Ready yourself students. May 30 seconds kayo para pumasok at makapwesto sa Voir Side." pagsabi ng babaeng teacher at may i-tinuro sa bandang itaas ng bukana ng Voir Side.

May lumitaw dun na numbers. '30'

What?

"And oh! may ginawa kami ng mga teachers. Totoo ang mararamdaman niyong sakit pero hindi kayo masusugatan. Kung hindi niyo na kayanin, talo na kayo at mababalik kayo rito. Kuha niyo?" dagdag impormasyon ng babaeng teacher.


Ah.

Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ng lalaking teacher.
"Our activity will start ..." tumigil muna siya sa pagsasalita ang at tumingin sa wristwatch niya bago buong lakas na sumigaw.

"Now!"










Naghiyawan ang mga estudyante at mabilis na tumakbo papasok sa bukana ng Voir Side.
















Hala.






Panu na to?!

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now