Chapter 13

5.4K 137 0
                                    

Daldal parin ng daldal 'tong mga kaklase ko habang patungo na kami sa cafeteria. Lunchbreak na kasi.

"Grabe talaga yung kanina no? Akalain mo yun, napalutang ko si Jake! Haha." natatawang sabi ni Shane sa amin.

"Tss. Langya si Sam, sinugatan ako." pang-uuyam ng isa sa kaklase ko na katabi ni Shane, hindi ko alam pangalan niya.

"Yeah, buti nalang pinagaling ko." sabi ni Kate sa sinabi ng kaklase ko.

Nagkaroon pa ng tawanan nang patuloy padin sila sa pagrecall ng mga nangyari kanina.
Tsk. Ang ingay nila.








Hanggang sa makarating na kami sa cafeteria at naupo na. Dada parin sila ng dada.

Kinongratulate ng mga kaklase ko na Group 1 kaming mga Group 2. Lalong-lalo na ako dahil ako daw kasi ang nagpanalo sa amin.




"Litse." napamura ako ng malakas kaya napatingin sila sakin. Pano ba naman kasi, ang kakainin ko na sanang lasagna ay napalitan at naging maliit na insekto. Kadiri!

"Anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Kate dahil sa bigla kong pagmura.

Kaya napatingin ako sa kanya at bumaling uli sa pagkain. Nawala na ang mga insekto at naging lasagna uli. Illusion? Tsk!

Nadinig ko pang  may tumatawa sa kabilang mesa. Ano to? Pinagtritripan nila ako! Dahil bago ako?








Nakakainit ng ulo!!

Gusto kong manakit! Kumakain ako ng matiwasay dito!

Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa pagkairita. Nag-iinit ang ulo ko. Hindi ko narin pinagpatuloy ang pagkain ko dahil sa naaalala ko yung mga insekto.

Ughh! Nanggigigil ako!

Parang may gustong kumawala sa katawan ko. Di ko alam! Basta naiirita ako!

Nagkasalubong na ang mga kilay ko. May nakikita pa nga akong mga light dark na unti-unting pumapalibot sakin. Hindi ko yun pinansin baka illusion lang din. Tss.





"L-lon." mahinang tawag sakin ni Shane, kinukuha ang atensiyon ko kaya napabaling ako sa kanya.

"Ano?!" inis kong tanong. Medyo tumaas ang boses ko kaya tinikom nalang niya bibig niya. Naibuntong ko pa sa kanya ang init ng ulo ko. Kainis.




Tumayo na ako. Hindi ko kaya! Kailangan kong makalanghap ng sariwang hangin. Kailangan kong kumalma. Baka kung ano pa magawa ko. Ayoko nun. Hindi ako isang attention seeker. Ayoko ng atensiyon.

Paalis na sana ako nang maramdamang tumahimik ang cafeteria. Huli na. Nakuha ko na atensyon nila. Andami ng matang nakatutok sakin. Ano ba naman yan. Ayoko nga ng attention.

Lahat ng nasa cafeteria.
Oo, lahat ng mata ay nasa akin. Ayoko ng ganito.





























Umirap nalang ako sa kawalan at lumabas na. Paki ko ba?

A/N:

Dyan lang po muna. Sa susunod ulit. Hi nga pala kay Marebell na classmate ko, hope na matapos mo rin story mo. Mwa mwa. :)

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now