Chapter 22

5.2K 136 0
                                    

Teacher's POV


Nandito kami ngayon sa labas ng Voir Side kung saan may magaganap na paglalaban-laban ng mga estudyante.

We decided to make this activity happen para mapunta na sa higher sections ang dapat sa higher sections at ang makita ang inprovement ng mga nasa lower sections.

Ginawa namin to para malaman kung gaano nag-improve ang mga estudyante namin at para mahanda sila.

Kung may digmaan mang magaganap.

War. Between Revengers.




Yes, there is a possibility na lusubin kami ng mga Revengers.

Ang Revengers, just like us, may abilities din. The difference is they're the bad guys. Pumapatay sila. They want to rule over ordinary people. They want to rule the world at gawin ang gusto nilang gawin kaya bumabagabag kami sa kanila.

Pinadala namin sina Jenn at ang iba pa para mabantayan ang pagkilos nila. Pinapatay nila ang mga sagabal sa plano nila, at kami yun. Kami na ang target nila.



Hindi sila basta-basta kaya tini-train namin ang mga estudyante para makapaghanda.


Nakikita namin ang mga pangyayari sa pamamagitan ng ability ng isa saming mga teachers. Si Ritchel, gumawa siya ng malaking monitor. Just like cctv's, kaya kitang-kita namin lahat.


Napailing-iling nalang ako nang may nakitang estudyanteng tumatakbo.





Si Marite, siya ang may tuka sa hindi pagdaloy ng dugo ng mga estudyante pag nasusugatan. Nawawala ang sugat pero ramdam nila ang sakit.

Ako, si Joel at si Lezel. Kami ang nagpapanatili ng kaayusan ng activity. Kung may mangyayari mang hindi inaasahan, mababalik rito lahat ng estudyante.


Marami-rami naring na-te-teleport ditong mga estudyante. Iba-ibang sections.

Si Earl at si Evelyn ang nakatuka sa pagre-resection ng mga estudyante base sa ipinamalas nila.

Naalarma ako nang mahagip ng mga mata ko sa monitor. Isang naka-orange ID lace na babaeng estudyante. May hawak-hawak siyang itim na bilog, palaki ito nang palaki.

"Teachers! Bring back all the students, now!" utos na sigaw samin ni Ritchel habang nakatitig rin sa monitor na tinitingnan ko. Kung saan nandun ang estudyanteng section H student.



What? Wag mong sabihing...?

Nagkatinginan kaming lahat ng teacher at agad-agad na pinabalik ang mga estudyante maliban sa sec. H student nayun.



Mabuti nalang naibalik namin sila lahat nang tinira na ng babae ang napakalaking itim na bilog. May malapit pa nga iyong matamaan.

Buti nalang, kundi... magiging abo silang lahat.

Yes, you read it right.

That section H student can make them all to ashes.


Ramdam na ramdam ko ang aura niya rito, as well as the other teachers.

Ang lakas.

Siya.

She has the same ability of the owner of this school,

Lulil Ruan Ponferreda.




Kate's POV

Hala patay. Nacorner kami ng mga section G students, Yellowgreen lace. Tatlo sila lahat. Patay na. Isa lang akong healer, di ko sila kayang labanan. Napahiwalay sa amin si Yuna kanina nung tumatakbo kami. Ang bilis tumakbo nun eh.

"Kalma lang guys, kaya natin to." bulong ni Shane samin ni Mie.

Tumango nalang kami at nagready. Bahala na!

Ngumisi ang mga tatlong tipaklong at inatake kami.

Napaatras ako. Hindi ko alam ang gagawin.

"Aaaaaahhhh!" sumigaw nalang ako at pumikit sa kaba nang malapit na akong tamaan ng bombang bulaklak na tinira ng isa sa tatlo.

Pero makalipas ang ilang minuto ay wala naman akong naramdamang sakit. Huh?

Minulat ko ang mga mata ko at napagtantong nasa labas na kami ng Voir Side kung saan kami pumasok kanina.

Nagtaka ako.
Tumingin ako sa paligid at nakita rin ang ibang estudyanteng nagtataka rin kung bakit kami nabalik eh di pa naman kami natalo. Apparently, malapit na pala. Haha.

Nagtaka ako nang mapansin ang mga estudyanteng serysosong  tumitingin sa parang monitor kung saan nandun ang mga teachers. Sila Shane rin kaya tumingin ako sa tinitingnan nila at napasinghap nalang.


Dun sa monitor, kita ang nakaorange ID lace na babaeng may tinira na kulay itim na malaking bilog.

Nang tumama yun sa malaking puno ay nagkaroon ng pagsabog dun.
Ang lakas ng impact nun na napaupo siya sa lapag. Nagdulot pa yun nang pagyanig ng lupa rito. Nagdulot din yun ng usok kung saan niya yun tinira.

Nagulat nalang ako nang mawala ang usok dahil naging abo ang lahat.

Nagkaroon ng bulong-bulongan ang mga estudyante habang nakatitig parin sa monitor kung saan andun ang babaeng naka Orange lace.

"Oh my god, si Yuna yan." rinig ko ang mahinang bulong ni Shane sa sarili.

Tinignan kong mabuti ang babae na ngayon ay nawalan na nang malay.

Ang makintab niyang maitim na buhok. Ang maputi niyang balat. Ang maamo at maganda niyang mukha. Ang ID lace niya.

Oo, si Yuna nga yan.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now