Chapter 5

7.3K 162 1
                                    

Nakasakay ako ngayon sa sasakyan nina Jenn at Clinton. Pupunta na raw kami sa lilipatan kong school.


May dorms daw kasi ang school at dun daw ako magsta-stay. Kaya dinala ko ang maleta kong may lamang mga damit.

Naproseso na raw lahat. Nandito na rin daw ang lahat ng requirments pati uniform. Sila dalawa ang nag-asikaso.

Pero... hindi padin ako makapaniwalang sa isang iglap lang ay nangyari ang lahat.

Bumuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa labas. Halos ilang oras na kaming bumabyahe. Puro mga puno lang ang nakikita ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Jenn na katabi ko. Liningon ko siya at tinanguan.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang tumigil sa pag-andar ang sinasakyan namin.

"We're here." pagpapa-alam ni Clinton at naunang lumabas. Lumabas narin kami ni Jenn.

Pagkalabas ko ay masukal na gubat lang ang nakikita ko.

Asan yung school?

Napatingin nalang ako kay Clinton nang may iniwasiwas siya na kung anong  bagay sa ere.

Napakunot ang noo ko sa ginagawa niya.

Ano bang ginagawa niya?

Nasagot ang tanong ko nang biglang may lumitaw na isang napakalaking gate. Nanlaki ang mga mata ko. Saan nanggaling yun? Paano nangyaring-

Nababaliw na ba ako?

"Anong?" mahinang sabi ko nalamang. Totoo ba to? Naghahallucinate ba ako?

Natawa si Clinton sa reaksiyon ko.

Tinapik ako sa balikat ni Jenn kaya napatingin ako sa kanya.

Ngumiti siya sakin at tumingala na parang may tinitingnan kaya tumingala narin ako para makita ang tinitingnan niya.





Grabe, ang taas ng gate.

Napansin kong sa pinakataas nito may nakaukit.


Pangalan ng school.













"Ponferreda Academy." basa ko rito

A/N:

wehey! Happy weekend pala sa inyo!

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon