Chapter 25

5K 115 0
                                    

Kinabukasan


Nandito na kami sa Hall kung saan idinikit ang resulta ng pagre-resections.

Tinadtad pa ako nang tanong ng tatlo. Hindi ko alam kung sino ang una kong sasagutin kahit na wala naman talaga akong balak sumagot sa kanila. Ang kukulit kahit na andito na kami sa Hall.

Ang ingay na nga, mas umingay pa.

"Students, students. Listen up!"

Napatahimik ang mga estudyante nang may nagsalitang teacher. Nakamic ito dahil nag-eecho ang boses niya. Hindi ko makita dahil nasa malapit kami sa pintuan. Hindi kami makalusong dahil andaming estudyante sa unahan.

"Matagal tayong matatapos pag-isa-isa kayong titingin dito sa bulletin board para hanapin ang sections niyo kaya, napagpasyahan nalang naming tawagin ang mga students corresponding to their sections. So if tinawag na kayo, pumunta kayo sa harapan. Understand?"

Tumango ang mga estudyante at mas lalong naging seryoso't tahimik.

"Okay. Lets start with Section A." panimula ng teacher.

"Raye Froast..."

Napaangat ako ng tingin ng marinig ang pangalan ni O--Raye. Nasa section na naman yun nung una palang kaya hindi nakakapagtaka. Ang galing rin nun eh.

"Suzette Nairbalia, Gechial Thuivig, Jastine Roasle, Sky Trisky" sunod-sunod na pagtawag ng teacher.

"Yuna-- Ahm..."

Sandaling napatigil sa pagsasalita ang teacher. Napatingin ako sa kanya. Pangalan ko yun.

"Ow, sorry. It's Loisse Reagdena Ponferreda."

Bahagya akong nagulat pagkarinig ng pangalan ko, ang mga estudyante rin. Alam nilang iyon ang anak ng may-ari ng school nato at alam nilang matagal na itong nawawala.

Nagbulung-bulungan pa ang mga estudyante at luminga-linga para malaman kung sino ba sa mga estudyante rito si Loisse Reagdena Ponferreda.

Tumikhim ang teacher dahil sa biglang pag-ingay ng paligid at nagsalita.

"I guess mas prefer niyang tawagin siya sa nakasanayan niyang pangalan.
Come in front, Yuna Montejo."

Narinig kong napasinghap ang mga kasama ko.
Nanlalaking tiningnan ako ng tatlo habang nagtatakang nakatingin sakin.

Nagtakip na ako ng tenga hanggat maaari.

"Ikaw yun!" sabay-sabay silang sumigaw.

Ugh! Kahit nakatakip pa ang tenga ko ay tagos na tagos parin ang mga sigaw nila. Sakit sa tenga.


Nakaturo pa sila sakin na parang mga timang. Kaya pinagpipitik ko ang mga noo nila.



Bumaling na ako sa harapan at napataas ng kilay pero walang nanatiling kalmado ang mukha.





Nakatingin sakin lahat ng estudyante habang gulat na gulat. Bago nga pala ako rito tsaka nasa last section pa.

Nag-umpisa na akong humakbang kaya nahati at gumawa ng daanan ang mga estudyante.


Ramdam ko ang titig nila sakin habang naglalakad ako.

Hanggang sa nakarating na ako sa harapan kung saan nandun sila Raye. Nakamasid parin ang mga estudyante sakin.

Nginitian ako ng teacher bago nagpatuloy na.

"Geno Levdke, Joseph Ferman, Louige Vallenus, Roland Travoc, Pamela Calpeo, Fely Roawean..." pagpapatuloy ng teacher at hindi na ako nakinig sa iba pang tinawag.






Hay.
Tingin ko ito ay ang pangalawang pagsisimula ko?



A/N: Lolz, wag niyo pagtawanan ang mga pangalan Haha.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now