Chapter 9

5.8K 139 0
                                    

Nakakamangha talaga ang school na to. Ang lawak-lawak, kahit saan ako tumingin ang gaganda ng mga nakikita ko.

May iilan kaming nakakasabay na mga estudyante. Tumitingin sakin ang iba. Bago kasi ako.

Iba ang kulay ng ID lace nila. Ibig sabihin, sa ibang section sila.

Nalulula parin ako sa laki ng school hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

May malaking sliding glass door na kitang-kita ang nasa loob. Awtimatiko yung nagbukas nang makalapit kami.

At nakita ko na ang kabuuan, ang elegante. May walong pahabang mesa na sa tingin ko ay dalawang metro ang layo sa isa't isa. Mayron na itong nakahandang iba't ibang klaseng pagkain. Na-on bigla ang switch ng pagkagutom ko.

Pinasunod ako nila Kate sa kanila. Tumungo sila sa sa table na kulay orange. Orange? Kapareho ng lace ng ID namin. Section H.

Lace ang basehan kung anong section ka. Ang kulay ng ID lace.

Bale ganito arrangement :

A-B-C-D-E-F-G-H

A- gold lace

B- silver lace

C- red lace

D- blue lace

E- skyblue lace

F- green lace

G- yellowgreen lace

H- orange lace

Obvious naman.  Alam niyo na kung anong kulay ng table nila.












Iilan pa ang nakaupong mga estudyante sa mesa nilang kapareho ng lace ng ID nila. Maaga pa.

Umupo na kami at nagsimulang kumain.


Makalipas ang ilang minuto, dumagsa na ang mga estudyante. Iba't ibang sections.



Ang ingay na.

Wala akong nakitang panget, puro may mga itsura ang lahat dito.

Marami naring umupo sa mesa namin. Mga kaklase ko. Sina Shane nalang ang nagpakilala sakin dahil kumakain ako.

Nagpakilala sila lahat sakin kahit na obvious namang di ako nakikinig.



Nagtaka ako nang biglang naging tahimik ang cafeteria.
Nakita ko pang tumingin ang mga kaklase ko sa harapan. May ibang napasinghap, may nanlaki ang mata, may napatakip pa nga ng kamay sa bibig. Talaga ba?

Kaya tumingin narin ako sa harapan para tingnan ang tinitingnan nila.










Mga estudyanteng nakasout ng Gold ID lace.

Ponferreda AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt