Chapter 20

5K 122 0
                                    

"Section H student. Tsk!" naiinis niyang sabi habang nakatingin sa kulay ng lace ko.


Bigla siyang gumawa nang kung ano at ipinalibot yun sa akin. Para yung crystal clear na wall na sa sobrang pagkaclear nun, hindi mo mapapansin kung di mo tititigan. Sinubukan ko pa yung banggain pero ang tibay.

Ano na?

Nakita ko siyang binuka ang bibig niya pero walang tinig na lumabas.

Anong ginagawa niya?

Hanggang sa may narinig akong boses. Mahina lang yun pero habang tumatagal, palakas ng palakas. Masakit sa tenga kaya tinakpan ko ang tenga ko.





Nakatakip nga ang tenga ko pero nadidinig ko padin.

Napaupo nalang ako habang nakatakip parin ang mga kamay sa tenga. Maraming boses sa isip ko.

Ang sakit sa tenga.

Mas lalo pang lumalakas ang boses kaya halos mapaluhod na ako sa lapag.

Nakita ko pang nakangisi ang babae habang nakatingin sakin.

Sht.

Sound Manipulation.

"Section H nga naman...." rinig kong boses niya at nag-eecho yun.

Ugh.

"Pathetic Losers, ang hina-hina nga naman. Well, what do I expect?" panunuya niya pa.

Napapikit ako sa sakit ng tenga ko. Pati narin ang ulo ko, sumaasakit narin.

"Such a bunches of stupid freaks. Worthless people tsk, tsk."
sobrang lakas nang pag echo ng boses niya. Sobrang lakas. Dahil sa sobrang lakas ay maraming echo ang naiiwan nun. At sa bawat pag-echo ng mga salita niya ay may isang word ang mas nadinig ko at sa tingin ko, yun ang pinili kong marinig.

'Worthless'



Worthless?

Wala ba akong kwenta?







Siguro nga, I am worthless.

Namatay ang isang pinakamahalagang tao para sakin.

Dahil sakin, wala na siya.

Patay na siya.

Patay na si Lolo!

Dahil sakin! Kasalanan ko.

Dahil sa pagproprotekta niya sakin.

Dahil sa wala akong alam.




Dahil sa hindi ko alam.
Na kakaiba pala ako. Na iba ako sa ibang tao. Hindi ako ordinaryo.

Hindi ko alam na may kakaiba sakin.

Wala akong kwenta! Walang silbi! Hindi ako worth it sa pagproprotekta niya sakin! Hindi ako worth it sa pagsasakripisyo niya.

Sa pagkamatay niya.

Para maligtas ako.












Sino ba ako sa kanya? Isa lang naman akong hamak na ampon. Pero nagsakripisyo parin siya sakin.

Pasensiya na lolo. Mahal na mahal kita.

Pasensiya na kung pasakit lang ang naibigay ko sa inyo.

Pasensiya kung... wala akong kwenta.

















Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan nang walang emosyon ang babaeng nagsampal sa akin ng katotohanan.


Tumayo ako at hindi inintindi ang sakit ng tenga at ulo ko. Naramdaman ko pang may likidong dumadaloy sa tenga ko.



Parang wala akong naramdaman. Parang wala akong maramdaman. Parang namanhid ako.

Hindi ko alam.

May bumalot sa buong pagkatao ko.
Nawala ang mga emosyon ko. Iba ang pakiramdam.


Parang may biglang pumalibot sa aking madilim at mabigat na aura?

Yun ba yung tawag dun?

Di ko alam.








Basta ang alam ko lang ay wag na wag mo na akong susubukang banggain.

Ponferreda AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon