Chapter 30

4.5K 117 3
                                    

Bumaba na ako pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko.



"Asan nayun?" tanong ko sa sarili habang bumababa ng hagdan.

Hindi ko mahagilap ang dalawa. Asan kaya yung dalawa?






Hmmm...

Mag-ikot-ikot muna ako.



Napako ang mata ko sa pintuang sa tingin ko ay kusina ang nasa loob.

Pumunta ako dun at binuksan yun.

Kusina nga.

May nagliliyab na kawali.
"Anong nangyayari?!" sigaw ko.

Balak ba nilang sunugin tong dorm namin.
Nakatayo ang dalawang salarin hindi kalayuan sa kawali.

Nagulat pa sila nang nakita ako.
"Hala Yun! Si Suzette kasi..." pagdadahilan ni Gechial habang pinapaypayan ang sunog na kawali ng plato.

Binatukan bigla ni Suzette si Gechial.
"Hoy! Anong ako? Ikaw kaya! Tsaka, hello, gamitin mo yung utak mo para patayin yan." sabi ni Suzette sa kanya.

"Ay, oo nga no." tumatawang sabi ni Gechial tsaka binaba ang platong ginamit niyang pamaypay.

Ngayon pa niya naisip? Teka, ano ability niya?

Thuivig apilyedo niya diba?
Water?





Itinaas ni Gechial ang kanang kamay niya tsaka may lumabas dun. Tubig nga. Water Ability.



"Oy, another super fried fish." komento ni Suzette habang nakatingin sa kawaling binasa ng tubig ni Gechial.

May laman itong hindi ko alam kung ano.

"Isda yan?" tanong ko sabay turo sa maitim na hindi ko mawari kung ano. Itim na itim. Sunog na sunog.

"Pritong isda." simpleng sagot ni Gechial at inilagay yun sa plato.

"Sunog na isda." pagtatama ni Suzette sa kanya.
Tumawa pa sila pagkatapos.
Di marunong magluto?

Tumunog ang tiyan ni Gechial kaya napatingin kaming dalawa ni Suzette sa kanya. Natatawa pa siyang humawak sa tiyan niya.
Nasundan yun ng isa pang tunog. Si Suzette. Gutom din.

"Cafeteria." suggest ko sa kanila. Kaysa naman masunog tong bahay na to sa pag-i-iksperimento nila.

Sumimangot si Gechial.
"Ehhh.. wala pang eleven eh, di pa bukas ang cafeteria." pagmamamaktol niya.
Sabagay, hindi naman kada oras bukas ang cafeteria.

Wala akong magagawa.

"I'll cook." pagprepresenta ko.
Ngugutom narin kasi ako. Marunong naman din akong magluto kahit konti.

"Wow marunong ka?/ Talaga?!" sabay nilang tanong sakin at lumapit para makasigurado.

"I'll try." sagot ko. Tinuruan naman ako ni lolo.

Nagthumbs up si Gechial habang ngiting-ngiti ang isa.

Tss.



Nilinisan namin ang kawali tsaka kinuha sa ref ang mga kakailanganin kung mga sangkap.

Kumpleto. Kumpleto lahat sa kusina nila. Badluck nga lang, kumpleto ang laman hindi marunong magluto.

Nagluto na ako.

"Wah! Anong nangyari!?" malakas na tinig na sabi ni Gechial nang makita ang kinahinatnan ng niluluto ko.

"Hindi ko alam!" napasigaw narin ako. Hindi dapat ako magpanic pero nagpapanic sila kaya nagpanic nadin ako. Nagliyab ang niluluto ko.

"Hala, Hala!" nagpapanic ding saad ni Suzette.

Panu ba naman kasi, ang taas ng niliyaban ng apoy. Ang init.

Patay, masusunog na siguro ng tuluyan tong bahay na to pag di 'to naagapan.

"Tubig, dali!" nagmamadaling utos ni Suzette kay Gechial.

"Ito na!" tugon ni Gechial tsaka nilabas na ang ability niya.


Phew!


Buti nalang.

"Ayan! Wala na!" sabi ni Gechial nang nawala na ang apoy. Tiningnan ako, ng masama.
Ganun rin si Suzette.


"Ahm..." hindi ako makatingin sa kanila at di ko alam ang sasabihin.

Tumunog ang tiyan ko.
Napahawak ako sa tiyan ko.

Ngayon, tatlo na kaming gutom.

Tinuruan ako ni Lolo pero nakalimutan kong hindi pala ako natuto.

Hindi nga pala ako marunong.




Sa tingin ko, hindi ako mahal ng pagluluto.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now