Chapter 28

4.6K 103 2
                                    

Pagkalabas ko may biglang bumungad saking babae. Nakafish braid ang blue niyang buhok. Blue?




"I'm Gechial Thuivig, your new dormate." pakilala niya tsaka naglahad ng kamay.

Tinanggap ko ang kamay niya.



Maganda. Maliit sakin nang konti. Maputi, may katangosan ang ilong, kulay deep blue ang mga mata. May pagkamataray siya dahil sa porma nang kilay at meron siyang dimples.

Yung katabi niya naman ang naglahad ng kamay.
"Suzette Nairbalia here, new dormate mo rin." pakilala sakin nang babaeng katabi ni Gechial.

Nakalugay ang curly brownish hair na hanggang balikat. Mas matangkad siya kay Gechial ng konti, kaheight ko.

Maganda rin. Maputi rin, matangos ang ilong, mamula-mula ang labi tsaka may bilugang mga mata.

Kinamayan ko na muna saglit tsaka naglakad na paalis.

"Oy Loisse!" tawag sakin ni Gechial kaya napatingin ako nang wala sa oras sa kanya. No one calls me Loisse except mom and dad. Wala din akong gustong tumawag sa akin nun maliban sa kanila.

"Yuna." pagcocorrect ko sa kanya tsaka naglakad nang muli.

"Ah-eh Ok!" rinig kong sabi niya tsaka sumunod din sakin, pati si Suzette.

"Ahm... Yuna, susunduin ka nalang namin bukas ah." sabi sakin ni Suzette na nasa left side. Si Gechial kasi nasa right side.

Tumango ako uli.

Lilipat na nga pala ako.

Ponferreda AcademyWhere stories live. Discover now