[Bestfriendzoned] Meet the Boyfriend-to-be

142 8 0
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
Meet the boyfriend-to-be
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

"Sabi mo tutulungan mo ako, a?" Nakangiting tanong sakin ni Seungcheol habang nagsusulat ng kung ano anong sweet nothings sa mga sticky note.

Parte yun ng surprise niya para kay Jeonghan. Nagpapakapagod siyang sulatan ng kung ano ano ang lahat na papel ng sticky note. Nakaubos na siya ng tatlong pad at kanina pa siya reklamo ng reklamo na nangngalay na ang wrist at mga daliri niya pero ayaw din namang tumigil. Parang ewan.

Bakit ba ganito ang effort niya para sa lalaking yun? Tss. Nagpapakahirap siya e, ni hindi pa nga sila.

"Oo na." Sagot ko na lang. Napaangat ang tingin niya sakin at sandali niya munang ibinaba yung marker, nawala din yung ngiti sa mga labi niya.

"Ayaw mo ba? Okay lang naman kung ayaw mo tumulong e. Baka nakakaabala na sayo." Nakapout niyang sabi. Yan ba ang okay lang, hah? Kailangan mo bang ngumuso at magbeautiful eyes ng ganyan?

Tangina ka, Seungcheol.

OO AYAW KO.

Pero hindi naman kita matanggihang hinayupak ka.

"Drama mo. Tutulong na nga." Sagot ko at binato siya ng isang nilukot na papel.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Thank you, thank you, thank youuuuu~ Pramis, babawi ako sayo tsaka pag napasagot ko si Jeonghan dito, ibibigay ko kahit anong gusto mo!" Nakangiting sabi ni Seungcheol at hinawakan ang dalawang pisngi ko.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Ibibigay niya kahit anong gusto ko? I doubt it.

Siya lang naman ang gusto ko e, maibibigay niya ba yun sa akin? Obviously, no. Kaya nga nagkakandaugaga siya kakagawa ng mga kinginang surprise na to para sa Jeonghan na yun.

Okay. Kung san siya masaya, go. Hindi ko siya pipigilan, wala naman akong karapatan diba? Gusto ko lang na masaya siya. Yun naman ang concept ng love diba? Give lang ng give. Kahit wala ng take. Basta masaya siya, mej masaya na din ako.

Pero, bago yan, kailangan ko munang kilalanin yang Jeonghan na yan. Papayag ba ako na saktan niya si Seungcheol? Siyempre hindi.

Nilet go ko siya hindi para saktan ng iba.

Sinasaktan ko ang sarili ko hindi para saktan lang din siya ng iba.

Hindi ako umiyak para paiyakin lang din siya.

Kaya kahit masakit, basta masaya siya, go.

Masokista ka naman, Jihoon, diba? Kaya mo yan.

———————

Nandito ako sa canteen ngayon kasama si Seungcheol, hinihintay namin si Jeonghan. Ayaw niya kasing magpasundo kay Seungcheol sa klase niya kasi hindi pa naman daw sila.

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa kanya. Hindi naman sa nagjujudge ako ng tao Pero feeling ko, pabebe to.

"Ohmysheesh! Jihoon, ayan na siya!" Pinagkukurot ako ni Seungcheol sa braso kaya nakatikim siya ng isang batok mula sa akin.

Locket Where stories live. Discover now