[Ephemeral] Death

87 2 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Death
t h i r d  •  p e r s o n ' s
countdown to last: 3

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

"Pa'no ka naman nakakasiguro na tama yang navigation app mo?" Pabulong na tanong ni Jihoon habang nakatingkayad na naglalakad papunta sa isang kwarto kasama si Seungcheol at Mingyu.

Saglit na lumingon sa kanya si Mingyu na nasa unahan ni Jihoon bago tumingin uli sa screen ng phone niya.

"Kasi ito yung ginamit ko para makapunta dito." Sagot nito.

"Sa'n mo nakuha 'yan?" Tanong ni Seungcheol na kasunod ni Jihoon.

Muling lumingon si Mingyu pero ngayon, may ngising nakapinta sa mga labi nito.

"Kay Jeonghan hyung." Sagot nito na ipinagmamalaki ang sinabi.

Nanlaki ang mga mata ni Seungcheol.

"Alam niya ang lugar na 'to?"

"Hindi ko alam. Hindi 'ata? Nakasave kasi sa memory card na binigay niya sa akin 'tong navigation app na isang lugar lang ang nananavigate." Paliwanag ni Mingyu.

Tumango tango na lamang si Seungcheol habang patuloy na naglalakad. Nang makarating sila sa kwartong may kulay pulang pinto, pumasok sila du'n at tumambad sa kanila ang kwarting una na ring napuntahan ni Jihoon at Seungcheol. Ang kwartong kinalalagyan ng mga boteng may iba't ibang kulay na likido na mga potions daw ayon kay Mingyu, higanteng globo at lumulutang na libro na tinatawag daw na book of soulmates.

"Paano tayo aalis dito?" Tanong ni Seungcheol habang nililibot ang paningin.

"Kailangan nating hanapin yung portal. Nakalimutan ko kung saan e, kasi nung nakarating ako dito, pinalanghap nila ako ng pampatulog na potion." Sabi ni Mingyu habang kinakapa yung mga pader. Ginaya na rin siya ng dalawa at nagsimula na silang hanapin yung portal.

"Teka, nakita ko na—"

"Halt!"

"Shit."

Dumating ang pulutong ng mga sundalo at isa-isang tinutukan ng mga sibat ang tatlo. Nahanap na sana ni Mingyu ang button para sa portal pero hindi niya ito nabuksan.

Nagsalita ang isa sa mga sundalo sa hindi nila malamang dahilan, at tinulak sila palabas ng kwarto. Sa tingin nila ay ikukulong na sila ng mga ito at 'papatayin'.

Mahigpit na hinawakan ni Seungcheol ang kamay ni Jihoon at tiningnan ito na para bang nagsasabing 'magiging okay din ang lahat'.

Dinala sila ng mga sundalo sa isang kwarto na meron ng mga kandado. May sinabi pa ang mga ito bago tuluyang umalis at kinandado sila.

Napahilamos gamit ang mga palad si Mingyu.

"Hindi pwedeng mangyari 'to..." Naibulong niya sa sarili. Hindi siya pwedeng makulong habang buhay dito o di kaya'y mamatay. Alam niyang meron pa siyang kailangang alalahan—

"Mingyu, wala na bang ibang daan?" Tanong ni Jihoon na katabi ng problemado ring si Seungcheol.

Tiningnan ni Mingyu ang screen phone niya. Wala nang itinuturong daan ang navigation app. Sa tingin niya ay wala na silang pagasa.

Napabuntong hininga nalang si Jihoon ng umiling-iling si Mingyu. Ibinaon niya ang mukha niya sa mga palad niya. Naisip niya na walang kwenta ang paghihiwalay nila ni Soonyoung kung hindi sila makakaalis sa lugar na 'yun.

Ilang oras pa ang lumipas at para silang mga presong nagaantay na lang bitayin.

Nagulat si Seungcheol at Jihoon ng marinig nilang suminghap sa tabi nila si Mingyu. Nanlalaki ang mga mata nito habang mahigpit na nakakapit sa dibdib at natmkatitig sa phone niya. Dumaan ang ekspresyon ng sakit sa mukha nito kaya nagaalalang napalapit si Jihoon sa kanya.

Locket Where stories live. Discover now