[Ephemeral] Mortal Interference

66 3 0
                                    

° Ephemeral °
Arc 3
Mortal Interference
t h i r d • p e r s o n ' s
countdown to last: five

⭕◀▶◀▶💮◀▶◀▶⭕

Pagmulat ng mata ni Jihoon, wala na ang lahat. Wala nang Soonyoung, wala na ang mundong minsa'y minahal din niya. Nandito siya ngayon sa isang dimensyon na nagsisilbing tulay ng dalawang mundo. Dimensyong tinatawag din ng mga mitolohikal na nilalang na
γέφυρα.

Nagpaling-linga siya sa paligid, at sa isang sulok, nakita niya ang natutulog na pigura ni Seungcheol. Nagpahid siya ng luha bago nagmamadaling nilapitan ang nakakatanda at bahagyang inalog ang balikat nito.

"Seungcheol! S-seungcheol, wake up!" Sa pangatlong pagtawag niya sa pangalan nito ay nagising ang binata at agad na niyakap si Jihoon.

"Are you okay? May nangyari ba? Uji, you were missing for a couple of months!" Halata ang halo-halong emosyon sa boses ni Seungcheol na nagpangiti kay Jihoon kahit may mumunting kirot sa dibdib niya.

"Okay lang ako. Pa'no mo nalaman ang tungkol dito, Seungcheol?" Tanong ni Jihoon at inalalayang makaupo ng maayos si Seungcheol.

"Nakita kita... Bigla kang nawala du'n sa park. Tapos may nakita akong babaeng kulot, sinabi niya ang lahat. Jihoon, naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon. Totoo ba ang lahat ng ito?" Naguguluhang tanong ni Seungcheol.

"Totoo. Nakilala ko sa mundong 'yun ang soulmate ko, si Soonyoung kaya hindi na rin ako nakabalik." Nahihiyang sagot ni Jihoon sa kanya na nagpalaki ng mga mata ni Seungcheol.

"Soulmate?! Myghad, Uji! Dapat makilala ko siya!" Hyper na sabi ni Seungcheol kay Jihoon na sinuklian lang ng huli ng malungkot na ngiti.

Kasi alam niyang hindi yun pwedeng mangyari. Hindi na sila magkikita ni Soonyoung.

May sasabihin pa sana si Seungcheol ng lumabas ang babaeng kulot na ang totoo naman talagang pangalan ay Saeni, hindi lang nila alam. Nanlaki ang mga mata ni Seungcheol at itinuro ang bagong dating.

"Siya 'yun! Siya 'yung nagsabi sakin ng lahat!"

Napaismid naman si Saeni.

"Akala ko ba, wala kang kinalaman?! Ikaw pala ang dahilan nito, e!" Inis na singhal ni Jihoon sa kanya.

"Sorry naman! Medyo madaldal kasi talaga ako." Pagtatanggol ni Saeni sa sarili.

Tiningnan lang siya ng masama ni Jihoon bilang sagot.

"Paalisin mo na kami dito. Kailangan na naming bumalik." Pakiusap ni Seungcheol.

"Nuh-uh-uh!" Maarteng sabi ni Saeni bago iwinagayway ang hintuturo. May sumilay na nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Jihoon.

"Alam niyo kasi, nasa protocol namin na dapat walang makakaalam sa mga unworldly happenings na to so... Ciao!" Nawala si Saeni na parang bula sa harapan nila at napalitan ng puting usok.

Nanlaki ang mga mata ni Seungcheol.

"A-anong nangyayari, Ujiq?" Pagkalabit nito kay Jihoon na alertong pinapanuod ang puting usok na unti-unting nagfoform na maraming pigura ng tao.

Kinakabahan si Jihoon sa nangyayari. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga ito sa kanila pero isa lang ang alam niya.

Hindi papayag ang mga taong usok na to na makauwi sila ng matiwasay dahil na rin sa mga sibat at espada na hawak ng mga ito.

Locket Where stories live. Discover now