[Bestfriendzoned] Cry buddy?

118 7 2
                                    

° Bestfriendzoned °
Arc 1
Cry buddy?
w o o z i

⭐★⭐★⭐★⭐★⭐★⭐

Napatigil ako ng may makita akong lalaki dito din sa rooftop. Agad kong pinunasan yung nga luha ko bago pa siya mapatingin sa akin. Palabas na sana ako ng rooftop ng marinig kong tawagin niya ako, napapikit ako at humarap na lang uli.

Mukhang nagulat pa siya ng makita ako.

"Teka, ikaw si Lee Jihoon diba? Yung president ng Glee Club?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya sa akin.

Tumango na lang ako sa sagot niya.

"HOMAYGHAD! LODI PO KITAAAAAA~ PAFANSIGN PO SENFAAAAAI~"

Bigla akong napaatras ng salubungin niya ako ng yakap. Ang ingay niya putspa.

"T-teka, hindi na ako makahinga!" Sabi ko kaya agad naman niya akong binitawan. Nginitian niya ako ng pagkatamis tamis habang hawak ang phone niya.

Mukhang alam ko na ang binabalak niya.

"Pwede bang papicture sayo senpai?" Tanong niya at nagbeautiful eyes pa.

Napatango na lang ako kahit ang totoo ay naiiling talaga ako. Pagbigyan na, minsan na nga lang ako magkafan e.

Tangina ang lakas makacelebrity nung 'fan'.

"Okay, okay, first shot, fierce look!"

"Second shot, kunwari stolen!"

"Third shot, wacky!"

"Fourth shot, patweetums look!"

"Fifth—"

"Teka, mukhang marami na yan." Sabi ko at medyo lumayo na sa kanya.

Nagpout lang siya habang binobrowse yung mga photo na nakunan sa phone niya. Napailing na lang ako.

Bakit ba ako lapitin ng mga weird na tao?

Una si Seung—

Okay, let's not talk about that guy.

"Hala, hala, hala, umiiyak ka ba?" Bigla niyang tanong sakin sabay hawak sa mga pisngi ko. Napahawak naman agad ako sa mga mata ko.

"H-hindi! Napuwing lang ako." Sagot ko. Wow, Jihoon. What a lame excuse.

"Hala, hindi e, umiiyak ka e!" Sabi niya at may dinukot sa bulsa niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko at inilagay yun dito.

Isang fres na candy tapos may note na 'Please smile'. (Kingina meron ba nun)

Tapos idinampi niya sa pisngi ko yung panyo na hawak din niya. Pinunasan niya yung mga luha ko tapos ay ngumiti siya sakin. Ewan ko, parang medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Siguro dahil wala namang nagpupunas ng luha ko kapag iniiyakan ko si Seungcheol. Siguro dahil wala akong kaibigan maliban sa kanya. Saklap ng buhay ko no? Nasanay kasi ako na si Seungcheol lang, kaya hindi na ako naghanap ng iba. Sapat na siya para sakin e, kaso nga lang, ako ang hindi sapat para sa kanya.

Locket Where stories live. Discover now